Chapter 24 Unang Halik

14 5 1
                                    

"Lara Pov"

Nagising na lang ako sa sikat ng araw napatingin ako sa paligid ko umupo ako ng maayos. Nasa Silid pala ako ang ibig sabihin nasa palasyo na ako. napatingin ako sa aking kasuotin iba na ang aking kasuotin maaari na pinalitan ako ng kasuotan habang ako'y tulog. napaisip ako kung sino.

Baka si Ti Seo.

Si Si Ti Seo kaya??

Nagulat ako dahil biglang binuksan yung pinto na walang pakungdangan.

Gising kana pala kapatid "Sabi ni Kaito magagalit na sana ako ng makita ko ang kanyang itsura kita ko ang mga pasa niya sa kanyang mukha putok din ang kanyang labi may benda rin ang kanya mga kamay napakunot ako.

Anong nangyare sayo at nagkaganyan ka? "Tanong ko sa kanya.

Ah ito ba napasabak sa labanan "Sagot niya.

Labanan? "Tanong ko.

Ou diba nga nagpaiwan kayong dalawa ni Ti Seo para hintayin sila Tiger kaso bago pa kayo dumating tinapos na namin ang mga kalaban HAHAHAHA ARAAYY "Napangiwi siya ng tumawa siya paano ba naman may pasa rin siya sa mukha putok din ang kanyang labi.

Lara "Tawag sa akin ni Ti Seo napatingin ako sa kanya may hawak itong PAGKAIN bigla tuloy ako nagutom paglapit niya sa tabi ko nanibago naman ako kay Ti Seo nakangiti ito sa akin.

Kain ka na muna alam kong gutom ka na "Nakangiti nitong sabi.

Salamat Ti Seo "Sagot ko.

Labas na muna ako Kapatid, Ti Seo" Sabi ni Kaito.

Sige "Sabay na sabi namin ni Ti Seo.

Ti Seo ikaw na muna bahala sa kapatid ko ah "Bilin ni Kaito.

Ou ako na muna ang magaalaga sa kanya "Sagot ni Ti Seo sabay tingin sa akin. Nakatingin lang ako kay Ti Seo sobrang Ganda talaga ng babaeng ito kahit na  naka suot ito ng panglalaki.

Tititigan mo na lang ba ako o kakain ka na? "Nakangiting sabi niya napalunok ako ng laway ko.

Nakakahiya ka Lara

Pero masisisi niyo ba ako?

napaka gandang dilag kasi ni Ti Seo.

Naiilang ako sa pagtitig ni Ti Seo Sa akin kaya..

Gusto mo? "Tanong ko sa kanya sabay abot sa kanya ng pagkain ko. nakatingin lang ito sa akin.

Ou gusto ko "Sagot niya para akong sira iba kasi ang takbo ng isip ko sa sagot niya.

Ito gusto ko "Sabi niya sabay kuha ng pagkain ko.

Sabi na eh akala ko ako gusto niya

Hindi ka rin gutom noh Ti Seo "Sabi ko sa kanya.

Hindi naman sakto lang "Sagot niya sabay balik sa akin.

Nahiya ka pa sana inubos mo na lang hahahaha "Asar ko sa kanya.

Pasalamat ka nga tinirhan pa kita "Sagot niya sa akin.

Nakakahiya naman sayo ako pa talaga dapat magpasalamat "Sabi ko sa kanya.

Ou bakit may problema ka "Sabi nito sabay lapit sa akin ng kanyang mukha konti na lang ang pagitan ng aming mukha sa isa't-isa napakagat na lang ako ng aking labi dahil sa makapigil hininga.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon