Chapter 13

43 8 3
                                        

"Ti Seo Pov"

Pinagmamasdan ko lang si Lara habang siya ay naglalakad. Siguro iniisip niya na nakarating na siya dito matanong ko nga kung tama ang nasa isip ko

Ui Lara tulala ka dyan hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko "Rinig kong reklamo ni Kaito.

Ha- eh pasensya na may iniisip lang ako "Sabi ni lara kay kaito. tumango tango naman ito sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Lumapit na ako sa kanya at sinabing.

Iniisip mo ba na nakarating kana dito dati? "Tanong ko kay lara napahinto siya at lumingon sa akin.

Paano mo nalaman? "Tanong nito sa akin.

Wala naman naisip ko lang hehehehe "Sabi ko sabay kamot sa aking batok nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Nakakapagtaka na talaga hindi ko alam kung tama ang aking hinala pero kung siya talaga yun gusto ko malaman kung meron siya non.

Pagkatapos namin kausapin ang Hari at Reyna ay hinatid na kami agad sa aming silid. kinausap ko yung dalawa na wag sila gagawa ng gulo. Sumangayon naman silang dalawa. Pagkatapos namin mag-ayos ng aming gamit ay napagisipan namin lumabas na muna para makapaglibot-libot sa palasyo. Lahat sila ay napapatingin sa amin tatlo lalo na kay lara ang tingin kasi ng iba sa kanya lalaki siya. napapangiti na lang ako may itsura kasi si lara kaya kahit pagdamitin mo siya ng panglalaki ay bagay sa kanya. mas lalong naging makisig siya dahil sa kanyang kasuotan pati na rin sa kanyang pagtindig ay makikita mo dito ang isang maginoong Lalaki. Habang kami ay naglalakad may bumunggo kay kaito.

Aray "Sabi ng babaeng nakabungo sa kanya napaupo pa ito sa lupa.

Pasensya na binibini "Sabi ni kaito sabay abot ng kamay niya tinabig lang nito ang kamay ni kaito at tumayo siya ng kusa at pinagpagan niya ang kanyang kasuotan.

Anong pasensya hindi ka kasi tumitingin sa dinaanan mo "Sigaw ng babae sa kanya.

Ay pasensya na ah malay ko ba na maliit na tao ang nabangga ko "Pangiinsulto ni kaito.

Ang yabang mo naman Bakulaw "Insulto din nito.

Masama ang tingin nila sa bawat isa. Mukhang nakakuha na rin ng katapat itong si kaito haha...

Pasalamat ka babae ka kundi pinatulan na kita "Bulong ni kaito pero rinig ko naman.

Ano binubulong bulong mo ah "Sigaw nito kay kaito.

Wala! kaya tumabi ka nga dyan "Sabi ni kaito.

Aba't ang bastos mo talagang grrrr "Sabi nito sabay sipa kay kaito.

Aray!! aray!! "Sigaw ni kaito sabay hawak sa tuhod nito.

Buti nga sayo bwiset "Sabi nito sabay takbo.

Napapailing na lang ako sa dalawang ito.

------------------------------

"Althea Pov"

Nandito ako ngayon sa aking Silid nagmumuni at nagiisip rin kung ano ang nais kong iguhit na imahe. Habang ako ay nagiisip inutusan ko si Gwen para kunin ang aking mga kagamitan sa pagpipinta nasa kabila kasi ito ng palasyo.

Prinsesa "Tawag sa akin ni Gwen napalingon naman ako dito.

Oh bakit ganyan ang mukha mo? "Tanong ko kay Gwen. halata kasi sa mukha nito na naiinis.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon