Chapter 19 (Leon Empire)

46 7 4
                                    

"Lara Pov*

Leon Empire"Bigkas ni Ti Seo Napalingon ako sa kanya bigla niya ako hinatak sa gilid at nagtago.

Ang sabi ng hari bukas pa ito dadating bakit ngayon sila dumating "Naguguluhan kong sabi kay Ti Seo.

Hindi ko rin alam "Sagot niya nakatingin lang ako sa kanya lumingon naman ito sa akin na nakakunot.

Bakit ganyan ka makatingin? "Tanong nito sa akin. Ngumiti ako at umiling.

Wala bakit masama ba? "Balik tanong ko sa kanya.

Hindi "Sagot nito tinakpan ko ang  bibig niya ng magsasalita ito ulit.

Shhhhhh nandyan na sila" Bulong ko sa kanya. Napalingon naman siya sa aming Harapan na dumaan ang maraming kawal. kumabog bigla ang aking dibdib ng malakas napahawak bigla ako sa dibdib ko sumasabay ang ang paninikip ng dibdib ko kasama ang marka sa aking likod ay sumasakit din.

Ayos ka lang ba? "Tanong ni Ti Seo pinagpapawisan na rin ako tumingin ako sa kanya hinawakan niya ako sa balikat.

Lara "Narinig kong tawag niya sa akin bago ako nawalan ng malay.

--------------------------
"Ti Seo Pov"

Nang makita ko ang marka sa kanyang likod ay hindi ako makapaniwala nanginginig ang buo kong katawan.

Siya nga talaga.

Hindi ko namalayan na tapos na pala magbihis si lara at ako heto nakatulala pa rin. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya nakatingin lang ako sa kanya.

Ui Ti Seo "Narinig ko na sabi niya kumaway kaway pa ito.

A-ah h-huh "nasabi ko na lang

Ano ba nangyayare sayo ah? "Tanong nito sa akin na

Ah w-wala tara na "Sabi ko at naglakad lakad

Teka "Pigil nito sa amin lumapit ito sa akin.

Paano itong mga gamit natin saan natin ito dadalhin "Tanong ni lara.

Ay ou nga pala nakalimutan ko "Sabi ni Ti Seo lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga gamit at ang  tinira ko lang ay kutsilyo  tigiisa kami at yung iba pa namin sandata ay nilagay ko sa kahon..

Inutusan ko na lang si kaito para itago ang mga gamit namin.

Tara na "Sabi ko sa kanilang dalawa. hindi ako lumilingon kay lara. Nagiisip pa rin ako kung ano ang susunod na aking hakbang.

Magtanong kaya ako kung sino talaga ang totoo nyang magulang pero ang tanginang alam niya lang ay ang kanyang ama ay isang magsasaka at ang kanyang ina.

Tama baka ang kanyang ina ay isang Reyna marahil ay ganun nga.

Pero sino kaya ang kanyang ina?

Tanungin ko kaya siya?

Baka naman magtaka siya kung magtatanong ako sa kanyang ina.

Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko namalayan na tinawag kami ng kawal ngunit lumapit ito kay lara.

Sandali "Pigil sa amin ng kawal ng Hiroshima Village.

Pare nahulog mo " Sabi ng kawal

Salamat pare "Sagot ni kaito sabay kuha ng mapa.

Napahinga ako ng maluwag ng hindi kami namukhaan ng kawal. nagtungo na lang kami sa kainan dahil gutom na kami.

Tamang tama nagugutom na ako "Narinig ko na sabi ni kaito.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon