Chapter 14: *A Song for you*
IRISH’s POV
Friday na.
Ayaw kong kumanta. Feeling ko kasi, hindi na dapat ako kumanta. Hahaha.. baliw lang ako no? Alam ko naman yon e. Pero kinakabahan talaga ako. Eto kasi yung first time ay hindi pala.. parang ito ULIT yung first na maririnig akong kumanta ni Bryan. Well, nung mga panahong magkasama pa kami, lagi ko siyang kinakantahan at laging sa kaniya nakadedicate ang lahat ng kinakanta ko.
Pero nag-iba e. nung nagkabanda naman kami, yung mga kinakanta ko ay dedicated naman sa mga nagpaparequest. Miss ko na rin naman kumanta. Halos isang taon na rin pala simula nang itigil ko ang pagkanta. Isang taon na. ang tagal na rin pala.
“Andyan na si sir Ace!!” nagsipasukan na yung iba naming classmates. Lumabas kasi yung iba kasi medyo maingay sa loob ng classroom.. nagrerehearse kasing kumanta yung iba e.
Kasunod nilang pumasok si Kuya. Hawak-hawak nito yung class record at saka yung mga 1/8 papers.
Hayy! Sana matawag ako kaagad para matapos na. Ayoko kasing magpahuli e.
Umupo si Kuya sa table. Take note, sa table at hindi dun sa monoblock chair. Bumunot siya ng isang 1/8. Tapos tinawag yung pangalan. Ahhh! Thank God! Hindi pa naman ako yun. Ayoko din naman kasi ng pangbungad no! mas lalo akong kinakabahan pag ganun. Pumunta naman yung tinawag ni Kuya sa harap at kumanta.
After 50 minutes.. 19 na ang natawag. At nakakainis, hindi pa rin ako natatawag. Dalawa na lang kaming hindi pa natatawag. Ahhhaaaaayyy! Gusto ko nang magperform! Nakakainis naman si Kuya! Napakamalas bumunot! Ako na next! Please!!!!!!!!!!!!
“Next, BJ.”
Huh! Hindi pa ba nagpeperform si Bryan?? Akala ko tapos na siya. Masyado na ata akong napraning kaya hindi ko napansin na hindi pa din siya tapos. So, ako na talaga ang last. Napakamalas ko naman! :|
Pumunta na sa harap si Bryan.
“I will dedicate this song to the girl whom I loved before.”
Napatingin ako sa kaniya. Hindi sinasadyang napatingin din siya sa akin. A couple of seconds din iyon pero nagbawi ako ng tingin. The girl he loved before? LOVED? Tapos na. past tense na ang ginamit niya. So hindi niya na mahal ang babaeng iyon? AKO BA ANG TINUTUKOY NIYA?? TSS! Hindi naman ako yun no! hindi naman ako ganun ka-assuming! At saka hindi niya naman ako minahal bilang higit pa sa bestfriend niya, kahit na alam niyang mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan. So ibang tao yun? May iba pala siyang minahal.. now, I’m getting curious!
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You! (Revising and Editing)
Teen FictionIt's about Love, Friendship, Hatred, suffering, romance with a comedy on it. Si Honey Irish Ferrer, isang babaeng tinatakasan ang nakaraan. Ang nakaraan na naging dahilan kaya siya nagbago.. Paano na ngayon lumipat siya sa St.francis Academy kung s...