Chapter Three:
[ACE's POV]
Pangalawang araw na ng kapatid ko sa SFA (Saint Francis Academy) Nakakatuwa nga e. Medyo mabait na siya.
Medyo lang naman. Kasi nga sabi nung ibang mga teachers e medyo may pagkarude siya.
RUDE? Ayos lang basta hindi nakikipagbasag-ulo.
Hayy.. Ang laki talaga nang pinagbago ng kapatid ko.
Masakit mang isipin pero mismong mga magulang namin ang dahilan kaya siya naging gan'yan. Kung bakit siya nagkagan'yan. Dahil d'on nawala 'yung pagmamahal ng kapatid ko sa kanila..
Nawalang parang bula. Galit siya e. Nawawala ang pag-ibig ng isang tao pag nababalot siya ng pagkamuhi. At 'yung ang nararamdaman ng kapatid ko ngayon..
Alam ko, sinasadya ng kapatid ko na makipagbasag-ulo, maging pasaway.. Para makalimutan ang masamang pangyayari na iyon.
Tinatakasan niya ang masakit na kahapong nangyari sa kaniya.
Hindi siya nagmove-on dahil hanggang ngayon, nasa puso niya parin ang sakit.. Ang kaibahan nga lang.. Naging manhid na siya.
Pilit niyang tinatakasan ang nakaraan para makalimot. Pero alam kong hindi parin siya nakakalimot..
Ibinabaling lang niya ang atensyon niya sa ibang bagay para hindi na maalala ang masakit na bagay na iyon..
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi niya alam pero may dahilan naman ang mga magulang namin kaya nangyari 'yon.
"Masyadong malalim ah."
Ah? Napatingin ako sa harapan ko. Si Ma'am Nicca pala.. Siya ang advicer ng fourth year room 143. Ang advicer ng kapatid ko.
"Is it about your sister?" Tanong nito na hindi naman nakatingin sa akin kundi sa class record nito, nagsusulat 'ata ng mga score dun sa activity or whatsoever ng mga estudyante niya.
"Yeah."
"Nakakahiya mang aminin pero natakot ako sa kapatid mo kahapon, para siyang hindi highschool student kung mag-isip e. She even threatened her classmates." This time, nakatingin na siya sa akin.
"Yeah, three years na siyang gan'yan. Pero mabait naman 'yon e, pero ang bilis uminit ng ulo." I sigh again. "I really hope walang mangbully sa kaniya dito, kasi pag nangyari 'yon.."
Umiling pa ako. Baka mangyari 'yung nangyari sa dati niyang school..
"Don't worry too much, she won't do any reckless action 'cause you're here. She loves you too much para bigyan ka ng sakit ng ulo.."
Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
"Thanks Nics."
She blushed.
NICE.
~~~•~~~
[SOMEBODY's POV]I hit the ball hard with my baseball bat.
I hit it again..
And again..
And all over again..
Gusto kong ilabas ang galit ko kahit man lang sa pamamagitan nito.. Na sa tuwing matatamaan ko ang bola, iniisip ko na sila ang pinatatamaan ko.
Hindi pa rin talaga nawawala ang galit ko! Ang sakit na nararamdaman ko!
Hindi ko parin sila napapatawad.. Hah! Hindi ko sila mapapatawad.
Hindi ako tulad niya na tinakasan na ang nakaraan.. Tss. Tinakasan niya ang nakaraan..
Hindi tulad ko..
I'm still trapped in the past!
Hindi ako makawala..
Dahil sa tuwing pipikit ako.. Naaalala ko lang ang malagim na pangyayaring 'yon sa buhay ko..
Ang pangyayaring sumira sa buhay ko..
Ang pangyayaring naging dahilan kung bakit nag-iisa na lang ako.
Hinagis ko ang baseball bat sa sulok.
Pinunasan ang tumatagatak kong pawis..
Kinuha ko ang beer in can at uminom.
Tama na ang tatlong taong nagdusa ako.
Oras na para maningil..
Gagawin ko ang bagay na ginawa nila sa akin..
Gusto kong masaktan din sila ng todo! Gusto kong maranasan din nila ang lungkot na nararamdaman ko.
Nakupi na ang beer in can na hawak ko.
I can't wait to see them suffer.
~~~•~~~
[IRISH's POV]Naramdaman ko na lang na tumaas ang balahibo ko.
Bakit?
Bakit parang bigla akong kinabahan?
Bakit feeling ko, may masamang mangyayari?
Tsk. Kinukutuban ako. Ano ba naman 'to? Siguro maki-kick out ulit ako sa school na ito. Hmm..
Lumingon ako sa bintana.
Hapon na pala.
Kasalukuyan pa ang klase.
May mumu ba dito?
Tsk! Matapang ako! Walang mumu dito! Pero paano kung magpakita sila sa akin?
Tapos 'yung mga itsura nila e dugu dugu pa?
Paano kung minumulto nila ako? Sila..
AISH!
Ano ba 'tong mga naiisip ko?
Mali 'to! Hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na may kinalaman sa kaniya.
Dahil kinalimutan ko na siya..
Siguro?
Ewan ko.
Tatlong taon na mula nang huli kaming magkita.
Nung mga panahong ..
Huwag nang aalahanin pa 'yon! Nakaraan na! Tssk!
"Ms. Ferrer?"
Napatingin naman ako bigla sa teacher na tumawag sa akin.
"Stand up."
A-YO-KO!
Chill Irish! Nagbabago ka na diba?
Who said so?
Ang reputation ng kuya mo. Pinapaalala lang..
I ROLLED MY EYES! Ang hirap makipagtalo sa isipan. Hahaha. Na-try niyo na?
Tumayo na lang ako.
"Answer this question.."
Hmp. Ano bang subject 'to?
"If you were a teacher, how would you discipline your students."
Eh? Ano namang pakialam ko sa pagdidisiplina? At saka ayoko ngang maging teacher.
VALUES nga pala 'tong subject na 'to! Wahaha! Ngayon ko lang napagtanto!
"First, I don't like to be a teacher, so I don't need to discipline students but to answer your question M'am.. I will discipline my students by giving them something they won't forget for a lifetime and will change their trashy attitude to something better." 'Yun lang at umupo na ako.
Ewan ko sa sinagot ko. Gawa gawa ko lang naman 'yun e. Hahaha.
"Not yet Ms. Ferrer, stand up again.."
Ay! Ano na naman ba!? Tss. Napilitan akong tumayo ulit.
"So what will you give your students to make them discipline?"
"Simple, just trust them, listen to them and love them."
Then the teacher just smile.
URGH!! Why do they smile at me? IT'S ERR!! Really, Really!
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You! (Revising and Editing)
Fiksi RemajaIt's about Love, Friendship, Hatred, suffering, romance with a comedy on it. Si Honey Irish Ferrer, isang babaeng tinatakasan ang nakaraan. Ang nakaraan na naging dahilan kaya siya nagbago.. Paano na ngayon lumipat siya sa St.francis Academy kung s...