Chapter 43: *Going on Vacation!*
JENNY’s POV
Bakasyon naaaa! Yehey! Saan kaya kami magbabakasyon ngayon? Hmmm.. Baka sa probinsya na naman. Pero okay lang, mas maganda mag bakasyon sa mga probinsya lalo na ngayong Christmas. Mas malamig kasi sa probinsya ee.
Pero kung tatanungin mo ako ngayon, iba na ang gusto. Gusto kong dito na lang magpasko. E kasi gusto kong makasama si Luis e. Sabi niya kasi sa akin, dito siya magpapasko. Gusto ko nga siyang isama sa Probinsya kaso e baka hindi din ito pumayag.
Hayyyy -______- Gusto ko pa naman siyang regaluhan pag pasko na e. alam mo yun? First gift ko sa kaniya if ever., hayyyy! Ganito pala pag may boyfriend! Nakakaloka na minsan.
May kumatok sa pintuan. “Jenny, anak. May bisita ka.”
Si mama.
“Opo Mama..” inayos ko lang ang mga gamit ko at excited na bumaba.
Baka kasi si Luis yun e. Ang isang yun, hindi man lang kasi tumatawag o nagtetext pag pumupunta sa bahay. Basta makikita mo na lang siya na nandyan, minsan tinutulungan si Mama sa pagluluto o kaya tinutulungan si Papa sa paglilinis nito ng kotse.
Pero si Irish ang nakita ko.
“Dissapointed?” bungad na tanong nito.
“H-hindi ah..” sabi ko naman. Oo na, disappointed na ako.
“Hahaha..” jeeez! Tawanan daw ba ako?
“Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko at umupo sa katapat na upuan nito.
“I’m inviting you.”
“Saan?”
“Magbakasyon sa Villa namin.”
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You! (Revising and Editing)
Teen FictionIt's about Love, Friendship, Hatred, suffering, romance with a comedy on it. Si Honey Irish Ferrer, isang babaeng tinatakasan ang nakaraan. Ang nakaraan na naging dahilan kaya siya nagbago.. Paano na ngayon lumipat siya sa St.francis Academy kung s...