Chapter 24: *Woooooooooooooooow!!*

3.5K 53 4
                                    

Chapter 24: *Woooooooooooooooow!!*

JENNY’s POV

Waaaaahhh! Panalo ang Green Lantern! Yahoo! Ang galing galing namin! Pero syempre, mas magaling ang president right? Hahaha! Buhatin ang sariling bangko! Naman! Pagod at effort ko yan no! kaya ngayon, party party kami sa bahay ni Irish. Itre-treat daw kami ni Sir Ace kaya dito kami dumeretso, well ang section lang talaga namin ang pumunta. Heheh. At saka pwede daw kaming mag-overnight dito.

Ang laki pala talaga nang bahay nila. As in! Limang beses ang laki nun sa bahay namin. Parang hotel yung bahay nila! Grabe, hindi lang ata to simpleng mansion! Palasyo na to! Grabe lang!

Ang dami din nilang katulong! Lagpas 30 ata! Grabe! Super yaman pala talaga ni Irish e.

“Ahm.. guys, tutulungan nila kayong dalhin yung mga gamit niyo sa nakalaang room para sa inyo okay. Nasa second floor lahat ng guest room..” sabi ni Sir Ace.

“Bayaw, doon ulit ako sa kwarto ko ah..” Sabi naman ni Luis. Hindi lang ito ang unang beses na narinig kong tinawag niyang bayaw si Sir Ace. May gusto pala kasi siya kay Irish pero nililigawan niya pa lang ito.

“Sige. Magkakatabi ang kwarto niyo nila Henry diba?”

“YUP!” Si Henry ang sumagot. Invited din siya dahil kateammate din naman namin siya at kaibigan siya ni Irish.

“Sige. Mag-enjoy kayo okay?” nag-yes lang kami at iniwan niya na kami doon. 10 lang ang guest room kaya sama-sama na yung iba sa iisang kwarto. At sa kamalas-malasang pagkakataon pa! Kasama ko sa kwarto si Charm and her links! Kaasar lang! Bakit ba kasi nagbunutan pa kami? Oo nga pala, idea ko nga pala yun!

“Grabe lang ang bahay na to! Hanggang apat na palapag?? Tapos may elevator din sila? Grabe! Ang laki ng bahay nila Irish!” sabi ng mahaderang katabi ni Charm.

“OO nga, hindi ko akalain na ganito pala kayaman si Sir ace at ang bwiset na Irish na yun!” sabi naman ni Charm. Magbulungan kasi ang mga to e no? yung tipong rinig na rinig mo! -___-

“Kaibiganin kaya natin siya? Para naman malasap natin yung kayamanan niya diba Charm?”

ARGH! Ang kakapal naman ng mukha ng mga taong to!! LIKE DUHHHHHHHHHH! Hindi sila kakaibiganin ni Irish no! Ang kakapal talaga! Umiinit ang ulo ko sa kanila! Pabagsak kong nilagay ang bag ko sa kama para naman matauhan sila na nandito pa ako no!

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon