Chapter 40: *I’M OKAY BECAUSE I’M WITH YOU*
BRYAN’s POV
Pagkatapos kong kumanta ay bigla niya na lang akong niyakap sa harap ng maraming tao, naghiyawan naman ang mga audience namin na mukhang tuwang-tuwa at bati na kami ng girlfriend ko. Sana nga hindi na matapos ang sandaling to. Ayaw ko nang matapos ang sandaling to.
“Tara sa mall..” aya ko sa kaniya.
“Sige..”
Sumakay na ulit kami ng Taxi at pumunta na ng mall. Sa totoo lang, hindi pa ata kami nakapunta sa mall na magkasama. Nang makapunta kami ng mall ay sa food court agad kami pumunta. Medyo nagutom din kasi ako sa ginawa ko kanina >///< medyo nakakahiya pa lang kumanta sa harap ng maraming tao.
Humanap na kami ng upuan ng meron kaming mapansin na kapansin-pansin naman talaga.
“Bakit nandito yang tatlong yan?” bulong sa akin ni Irish nang maka-upo na kami malapit sa kanila.
“Baka nagdedate din?” Bulong ko sa kaniya.
“Nagdedate e tatlo sila? Asan yung ka-date nung isa?” bulong ulit niya sa akin.
“Malay mo, siya lang ang ka-date nilang dalawa. Tignan mo nga oh, mukhang may Love triangle na nabubuo..” bulong ko ulit.
“E sa tingin mo?” bulong niya na naman..
“Sa tingin ko gusto nilang magpinsan si Jenny..”
Napatingin sila sa amin. Oooops! Napalakas ata yung bulong ko?
“HEY!” sabi ni Vincent at lumapit sa amin.
“Hey din…” sabi naman ni Irish.
“Didn’t know that you two are here..” sabi naman ni Luis na nakalapit na din sa amin.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You! (Revising and Editing)
Teen FictionIt's about Love, Friendship, Hatred, suffering, romance with a comedy on it. Si Honey Irish Ferrer, isang babaeng tinatakasan ang nakaraan. Ang nakaraan na naging dahilan kaya siya nagbago.. Paano na ngayon lumipat siya sa St.francis Academy kung s...