Chapter 10:
[IRISH's POV]
Sobra talagang nagi-guilty ako. simula kasi nung araw na 'yon, hindi na ako pinansin ni Jenny. Ewan ko pero minsan nakikita ko siyang tumitingin sa akin pero pag nakita niya na ako na nakatingin din sa kaniya, iiwas siya. Kasalanan ko naman talaga diba? Nakikipagkaibigan lang naman siya pero parang pinagtabuyan ko siya.
Ah. Hindi pala parang, pinagtabuyan ko talaga siya.
Hindi ko na nga kasi kayang makipagkaibigan. Kita naman na wala akong kaibigan kahit na isa. Nakakalungkot ang mag-isa pero okay lang, sanay na akong mag-isa. Sanay na sanay na.
"Ms. Ferrer."
Si Mam Nics pala. Naks, nakiki-nics ako e 'no? FC lang ang peg?
"Baket?" Baka may papautos na naman 'to! Iss, ayoko nang inuutusan.
"Pwede mo bang puntahan 'yung bagong transferee? Nasa principal's office siya."
EH? Napataas ang kilay ko. Wow lang ah! Nung nagtransfer ako dito, walang sumundo sa akin. Hinanap ko ng bonggang-bongga ang classroom ko tapos susunduin ko 'yung transferee na 'yun? Ano siya sinuswerte? At ano 'tong school na 'to? May special treatment? Tss!!
"Sige na Irish, pumunta ka na." Shit! Nandito pala si Kuya. Tss! 'Tong babae na'to! Kaya pala ako ang inutusan kasi alam niyang hindi ako makakatanggi, syempre nand'yan si Kuya e. Aish! Naisahan talaga ako dun ah!
"Fine." Nakasimangot kong sabi.
Pumunta na lang ako sa principal office, nasa building kasi ito ng mga first year. Hahaha, kaya pala masyadong behave ang mga first year kasi malapit lang sila sa principal.
Argh! Bakit naman kasi ang layo ne'to? Nakakatamad maglakad tapos pupunta na naman ako sa building namin mamaya.. AISH! Masyado nila akong pinapagod ah! Ang tanga ko rin kasi e, tumambay pa ako sa table ni Kuya, ayan tuloy nautusan ako ng wala sa oras.
Nakakaasar.
"Oy, nakita niyo ba siya? Shet lang! ang gwapo niya!"
"Oo nga e, senior daw 'yun. Sayang, ang layo nang building nila."
"Okay lang 'yan 'no! Makikita parin natin siya."
Okay? Ako na tsismosa. Ay hindi pala, sadyang malalakas lang talaga ang boses ng mga malalanding 'to! Sino naman kaya 'yung sinasabi nila? Ay ewan! Masundo na nga 'yung transferee para makabalik na ako sa klase ko.
Ay baliw! Wala nga pala kaming klase ng art. Ano bang nangyayari sa akin? Hayy!! Ganito kasi pag wala nang nakaka-usap. Kinakausap na ang sarili.
Nandito na ako sa harap ng proncipal's office. Pinihit ko 'yung doorknob. O diba? Wala nang katok katok. Sanay na rin naman si Cellie e, gawain ko kasi 'yan.
"Hindi ka talaga marunong kumatok 'no?"
Muntik na akong matalisod nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi si Cellie 'yun dahil lalaki ang nagsalita. Napatingin ako sa kaniya, kampante itong nakaupo. Nakatingin din siya sa akin at...
NAKANGISI!
Tarantadong 'to! At talagang nakangisi pa siya ah!! Argh! Akala ko ba na states 'to?
"Speechless e?"
Napataas ako ng kilay. Speechless daw! MUKHA NIYA!!!
"Looks like you two have met." Sabat naman ni Cellie.
"Hindi ko siya kilala." Mariing sabi ko.
Hindi ko na siya kilala. Nakalimutan ko na nga kung anong pangalan niya e. Nakalimutan ko na din 'yung pangako niya na walang iwanan! Takte! Nakalimutan ko na lahat 'yun!
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You! (Revising and Editing)
Teen FictionIt's about Love, Friendship, Hatred, suffering, romance with a comedy on it. Si Honey Irish Ferrer, isang babaeng tinatakasan ang nakaraan. Ang nakaraan na naging dahilan kaya siya nagbago.. Paano na ngayon lumipat siya sa St.francis Academy kung s...