Chapter 49: *It was for revenge?*
IRISH’s POV
Kanina ko pa napapansin na parang balisa si Bryan. Hindi, ganito na siya simula nang bumalik kami mula sa Villa. Gusto kong magtanong pero nakakaramdam ako ng takot. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko din alam. Pero natatakot talaga ako sa maaari niyang isagot.
Nasa park kami ngayong barkada. Pero hindi ko naman magawang magsaya katulad ng ginagawa nila.
Si Bryan kasi…
“Irish, kanina ka pa malungkot dyan e.”
“Jen, may mali ba sa akin?”
Nagtaas naman ito ng kilay. “Bakit mo naman naitanong yan huh?”
“Eh kasi feeling ko, may nagawa akong kasalanan kay Bryan. Lagi ko siyang nakikitang nag-iisip o kaya naman ay nagbubuntong hininga. Pag magkasama kami, lagi siyang tulala.”
“Napansin ko nga rin sa kaniya yun simula nang umalis tayo ng Villa niyo, may nagawa ka ba sa kaniya nang araw na umalis tayo?”
Umiling ako. Masaya pa nga kaming naghahabulan noong araw na yun kasi pumunta kami ng beach. Nang makauwi na kami, okay pa nga siya e. Pero noong pasakay na kami ng Van, bigla na siyang naging ganyan.
“Sa tingin mo, hindi niya na ako mahal?”
“Aish. Wag mo ngang isipin yan. Baka may problema lang siya. Kausapin mo kaya hmm..”
“Thank you Jen.”
“Were bestfriends diba? Natural lang na magtulungan tayo.. sige na, kausapin mo na siya..”
Tumango ako at lumapit kay Bryan. Pero bigla itong tumayo at nagmamadaling umalis.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. ano to? Bakit mo ako nilalayuan Bryan? Meron ba akong nagawa sayo? Meron ba? May mali ba? Ano ba tong nangyayari?? Bakit?
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You! (Revising and Editing)
Ficção AdolescenteIt's about Love, Friendship, Hatred, suffering, romance with a comedy on it. Si Honey Irish Ferrer, isang babaeng tinatakasan ang nakaraan. Ang nakaraan na naging dahilan kaya siya nagbago.. Paano na ngayon lumipat siya sa St.francis Academy kung s...