Chapter 33: *Kuya's SECRET*

3.1K 46 3
                                    

(A/N: Salamat po sa mga nagbo-vote sa Fb :)) Hindi ko pa kasi kayo napapasalamatan e. salamat sa pagsuporta ah :) at saka sa mga masugid na nagcocomment! Saludo ako sa inyo. Eto lang ang masasabi ko, hindi ang iniisip ninyo ang mangyayari :)) BWAHAHAHA! This is not just a typical love story. This is more than that. OHMEYGOSH! MEYGENEN?? HEHEHE!

Marami pang mangyayari, marami pang dadating! Wahaha!

Don’t be mad at Bryan! LOL! Kawawa naman ee. Ginagawa niya lang kung ano ang sinasabi ko! Wahaha XDDD)

 

Chapter 33: *Kuya’s SECRET*

 

IRISH’s POV

Yehey! Papunta na kami sa resto kung san namin siya ime-meet! Excited na ako! Hindi man lang kasi siya tumawag sa akin, dumating na pala siya sa pilipinas! Wala man lang akong pasalubong?? Tss! Bad boy!

“Kuya! Ibig sabihin siya kadate mo kahapon?”

“Yeah.”

“Hindi mo man lang ako isinama!” I pout. Ee! Naman kasi e, gusto ko din kaya siyang makita!

“Makikita mo naman siya ngayon diba?”

Kahit na ba! E basta excited na ako! Mwahahaha XDD

Napatingin ako kay kuya. Excited na rin siguro siya kahit kakikita lang nila kahapon. Alam kong nalungkot ng sobra si kuya simula nang umalis ito. Kaya nga minsan doon ako natutulog sa condo niya para mabantayan siya ee. Naglalasing kasi yan paminsan-minsan.

26 years old na si kuya. Oo ang laki ng agwat naming dalawa. 10 years ba naman diba? Akala nga nila mommy hindi na siya magkaka-anak pa ee. Katuwa lang diba? Si mommy kasi ang unang nag-asawa sa mga barkada nito, barkada nito ang mommy ni Bryan at si Ninang Cellie. Teka? Wala bang anak si Ninang Cellie?

“Ahm kuya?”

“Hmm?”

“May anak ba si Principal?”

“I don’t know. Wala ata?”

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon