Chapter 8:

5.2K 72 13
                                    

Chapter 8:

[JENNY’s POV]

Ako nga pala si Jenny. Jenny Hernandez, the class president. Well, nakakatuwa dahil naging ka-group ko si Irish, matalino pala siya e. Akala ko kasi nung una, wala siyang alam. 'Yung tipong hindi pala-aral? 'Yung gan'on?

E kasi naman 'yung first impression ko sa kaniya e para siyang nangangain ng tao. GRABE!! Kakatakot kaya siya, lalo na nung tinitigan niya ako kaninang umaga ah. Grabe, takot talaga ako sa kaniya.

Gusto ko siyang maging kaibigan pero nag-aalangan talaga ako. Well, sino ba namang hindi? Wala pa nga 'ata siyang naging kaibigan e. At saka bulong bulungan na rin 'yung ginawa niya sa grupo ni Morgana. Sinampal daw kasi ni Irish 'yung tatlo, sa harap ng maraming tao sa canteen. Grabe, akalain mo 'yun? 'Yung tatlong maldita natameme sa isang IRISH?

Grabe talaga. Mabuti nga sa kanila! Nakahanap sila ng katapat sa katauhan ni Irish! Mayayabang naman kasi ang mga 'yon, akala mo kung sinong umasta! Porket alam nilang mayaman sila, nagrereyna-reynahan na sila dito sa school! Nakakabuset talaga ang mga 'yon, hindi naman kagandahan, puro make up ang mga mukha. Actually, mukha silang clown!! BWA-HA-HA-HA!

Napansin niyo? Ang daldal ko.

Sorry, napakwento lang. Pero nakakabilib talaga si Irish e. May napansin lang ako na parang may nabubuong tensyon sa kanilang dalawa ni BJ? Hmmm.. kasi binati ni Irish si Bj ng hi daw? E sa pagkakaalam ko, wala pang binabati si Irish ng hi o hello maski magandang umaga sa mga kaklase namin.

Wag mong sabihin…. MAY GUSTO SIYA KAY BJ? Well, siguro nga. Ang gwapo naman kasi ni Bj e, no doubt na kung magkakagusto man siya dun. May gusto nga rin ako kay Bj e, uy, quiet lang kayo. Haha. Crush ko lang naman siya at saka hindi din naman niya ako mapapansin e. Hehe. Mas bagay nga sila ni Irish e, maganda at gwapo diba?

Pero may Gf na si Bj e. Ayy! Sayang naman. Kasi baka pag nagmahal si Irish, magbago siya diba? Baka maging mabait na siya.. Ayy!! Sayang naman… kung magkakatuluyan sila, ako magiging number one fan nila.

“Hey, makinig ka kaya kay M'am?” Siniko pa ako ni Irish.

See what I mean? Kailangan bang maniko pa? Naku naman, kundi lang talaga ako takot sa babaeng ito matagal ko na 'tong tinemplak! Hehe, joke lang. Mamaya, baliin niya pa buto ko. Kawawa naman ako diba?

“This time, hindi na ako magpapakita ng picture sa inyo. But I will give you a picture puzzle. At syempre kung sinong mauna ay makakakuha ng fifty points.”

“What?” Sigawan lahat ng mga classmates ko.

Syempre, kasali ako sa mga sumigaw. Naman! Sinong hindi sisigaw e nagpakahirap kami sa mga points namin kanina tapos ganito lang? ang mauna, siya na talagang mananalo AUTOMATICALLY. E diba nga sabi ni M'am kanina, kung sinong unang makaka-fifty points ang siyang magwawagi!

 “Tsk! Hoy Matanda!”

Gulat kaming napatingin kay Irish. Eh sino ba naman kasing hindi magugulat e tinawag niyang matanda si M'am Lovely. Iba pa naman magalit 'yan.

“Yes dear?”

Mas lalo pa 'atang lumaki ang mga mata namin sa sagot ni M'am! JUSKO!! Nagugunaw na ba ang mundo?? WHAT'S HAPPENING??

“Alam mo, kung sinabi mo 'yan kanina pa, hindi ko na sasayangin pa 'yung effort ko na magsagot-sagot kanina. And you're telling me na its worth fifty points this time? Hah! Parang walang kwenta din na nagkaroon kami ng forty five points. Argh!!” Naiinis na si Irish.

Well, may point naman kasi siya diba? Masasayang lang 'yung puntos namin kung hindi naman kami 'yung mananalo sa puzzle.

“If I said it a while ago, do you think all of you will answer what was in the picture is?” Hmm.. may point din si M'am.

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon