Chapter 75: *Secretly Loving You*

4.3K 65 17
                                    

Chapter 75: *Secretly Loving You*

 

THIRD PERSON’s POV

Tumahimik ang lahat nang tao pagkasabi ni Bryan nang mga katagang ‘I Love you’.

“Nang mga bata pa tayo, iritang-irita ako kasi marami kang kaibigan, akala ko nga inaagaw mo lahat nang nagiging kaibigan ko. Lalo akong nainis sayo nang malaman kong anak ka pala nang kaibigan ni Mommy. Pero kakaiba ka, kahit inis na ako sayo nagagawa mo pa rin akong ngitian. Na sa kabila nang lahat, tumatawa ka parin. Kaya alam ko na kung bakit marami kang kaibigan..” simula ni Bryan habang nakatingin kay Irish.

Nakikinig naman ang lahat doon at hindi na nila nagawa pang mag-ingay. Siguro dahil alam nila ang nangyari sa pagitan ng dalawang tao na ito.

“Then the next thing I knew, we became friends. No, were best of friends. Lagi tayong magkasama, hindi na nga tayo naghihiwalay nang mga panahon na iyon. Then I just realize that I’ve love you. Pero kaibigan kita kaya tinago ko at saka bata pa kasi tayo. Then nagtapat ka sa akin.. that time, I was really happy. Pero ang bilis nagbago nang nararamdaman ko e dahil sa aksidenteng bumago sa buhay nating dalawa..” salaysay pa rin ni Bryan.

Si Irish naman ay pinipigilan ang pag-iyak.

“Kinamuhian ko ang pamilya niyo, I did a plot to take my revenge. Gusto ko kayong gantihan dahil kayo ang sinisisi ko sa pagkamatay ng mga magulang ko.. Gusto kong maghiganti. Pero nang nakita kita ulit, tong abnormal na puso ko hindi na naman mapakali. Pero tinago ko yun e, niligawan kita para paiyakin bandang huli. Pero ako ang nahulog sa patibong na ginawa ko.  I just thought that I’m really stupid, planning a revenge when I’m actually inlove with you.”

Hindi na napigilan pa ni Irish na umiyak. Wala na siyang pakialam kung magkalat ang eyeliner at mascara na nakalagay sa mga mata niya. Basta mailabas niya lang tong nasa loob niya.

“Lahat ng pinakita ko sayo, walang halong pagpapanggap yun. I was never pretending when I told you that I love you. It was never a lie. Nung malaman mo yung tungkol sa paghihiganti ko, mas nasaktan ako. Mas nasaktan ako kasi nasaktan kita e..” Hindi na rin naitago ni Bryan ang pinipigil nitong emosyon at naiiyak na rin ito.

Pati ang mga nakakarinig sa kaniya’y naiiyak na rin na animo’y nanunuod nang drama sa Tv at isang madramang eksena ang kanilang nasasaksihan ngayon.

“Then they told me the truth. About what happened that night. Nalaman kong hindi ko pala tunay na magulang ang mga inaakala kong mommy at daddy ko. and that the principal of our school, was actually my biological mother. Nung mga panahon na yun, I was really devastated. Hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko.”

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon