Chapter 1

838 30 1
                                    

Chapter 1

"Dear Samuel,

You didn't know how many times I tried to tell you about how I feel. You see, I was never the type of person who shouts about her feelings as if it was something that everyone should hear. I hope you understand. I have fears too.

I was never at ease ever since I froze and decided to run away from you. I never wanted to...and you never knew that I did and I thought that it was better that way, maybe it was better that way.

But now, I decided to pluck all the courage inside of me to write you a letter and tell you how much I care...and that I like you.

Samuel, she didn't lie when she said that your smile lights up the whole town because you light up mine.

With Love,
Leah."

Napayakap pa ako sa letter bago ito isinilid sa pinakamaliit na bulsa ng bag ko. Kinarga ko ang bag at masiglang nagpaalam kina lola.

Paglabas na paglabas ko ng gate ay agad akong pumara ng masasakyang tricycle.

Mas mabuti na sabihin ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko bago mahuli ang lahat kahit na alam ko na malaki ang posibilidad na hindi niya ako magustohan pabalik.

Bigla akong natigilan sa pag-iisip ng biglang huminto ang sinasakyan ko.

"Leah?"

Agad akong napadilat at napalingon sa direksyon niya. Abot tenga ang kanyang ngiti. Hindi rin siya nag-atubiling tabihan ako kahit na may espasyo pa sa likod na pwede niyang upuan.

"Samuel, goodmorning!" Masiglang pagbati ko sa kanya sabay usog ng kaonti para magkaroon ng kaonting espasyo para sa aming dalawa.

"Ano pinili mong strand?" Panimula niya.

"STEM, ikaw? Tinuloy mo ba ABM?" Tumango siya sa'kin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Naaalala mo pa pala 'yong sinabi ko sa'yo."

"Oo," simpleng sagot ko.

"Akala ko ba gusto mong maging Abogado? Ba't ka nag STEM?" Bigla akong natahimik sa naging tanong niya.

"Kailan ko sinabi sa'yo yan?" I chuckled.

"No'ng nag volunteer ako? Naalala mo pa ba 'yon? Ang dali mo namang makalimot." Bigla akong nakaramdam ng kaonting panghihinayang sa boses niya dahilan upang mapagdesisyonan kong hindi nalang magsinungaling. Baka magtampo pa siya ewan ko nalang talaga.

"Oo naalala ko, pero wag mong sabihin kahit kanino."

"Bakit nama-"

"Aray," daing niya sabay himas sa ulo niya.

Kapwa kaming nawala sa orihinal na usapan naming dalawa at napatawa na lamang dahil sa pagtama ng ulo sa niya sa kisame ng trike.

"Tangkad mo kasi eh," natatawa kong wika.

"Nakakapagod ding yumuko kapag sumasakay," reklamo niya.

"Manong, paki-adjust," pagpapatawa niya sabay yuko habang heto ako hindi matigil sa pagtawa dahil nakanguso parin siya habang hinihimas ang ulo niya.

"Pasensya ka na hijo, ikaw nalang mag-adjust," sagot naman ni manong dahilan ulang mas lalo akong mapatawa.

Dramatikong humawak si Samuel sa dibdib niya na para bang kasalanan niyang ipinanganak siyang matangkad.

"Bakit parang kasalanan ko?" Pagpapatawa ulit niya.

Nasa school na kami at pareho na kaming bumaba ni Samuel para magbayad ng pamasahe. Kinuha ko ang wallet ko para sana magbayad pero naunahan niya na ako.

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon