Chapter 9

404 19 0
                                    


Nagkaroon kami ng rehearsal kasama ang ilang pang mga candidates galing sa ibang strand. Most of them are seniors at ang ilan sa kanila ay may experience na rin sa mga ganito.


Sa katunayan nga ay representative ng ABM ang isa saga naging contestant noon ng Mutya ng Buenevista kaya pakeramdam ko hindi pa nga nagsisimula ay laglag na 'ko.


Naunang naglakad para sa opening si Aika habang ako naman ang susunod  tsaka kami magpopose sa gitna ng magkasama.


No'ng sumenyas na ang instructor namin ay nagsimula na akong maglakad. Minaintain ko ang fierce look tsaka nag smile para mag pose. Inilagay ko rin sa aking bewang ang dalawang kamay ko bago umikot at nag pose sa tabi ni Aika.


Bigla akong nag-iiba. Pakeramdam ko malaya kong naipapakita ang isang piraso ng pagkatao ko na hindi ko naipapakita.


Fierce. Sobrang layo sa kung sino ako pero gustong-gusto kong ipakita na kahit na malamya at may pagka 'dalagang pilipina' kuno ako ay matapang at palaban rin ako sa paraan na alam ko.


Ngumiti kaming dalawa ni Aika sa isa't isa tsaka naglakad papaalis ng stage. Pagtalikod na pagtalikod ko ay siya ring  pagtagpo ng mga mata namin ni Samuel. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng pag-tibok nito.


Bumaba ang tingin niya tsaka napa-iling at napa-kagat sa ibabang labi niya. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.


Nang tuluyan na akong makalayo sa stage ay agad kong binilisan ang paglalakad upang tuluyang malagpasan si Samuel.


Ganito lang, dapat layuan ko na siya. Dapat iwasan ko siya at dapat ko siyang itulak papunta sa ibang direksyon. Sa mas magandang direksyon—


Parang hinila ang buong kaluluwa ko sa sahig sa sobrang gulat. Napapikit  na lamang ako ng makaramdam ako ng pwersang pumulupot sa bewang ko. Napakapit ako sa leeg niya. Kung sino ka mang kinakapitan ko ngayon patawarin mo sana ako.


Iminulat ko ang aking mga mata at agad na napabitaw kay Samuel Jay. "Sorry," tipid kong wika.


Bago naglakad papaalis na parang walang nangyari. Binilisan ko ang hakbang ko kahit na parang matutumba pa ulit ako sa biglaang pagka-baliko ng paa ko kanina. 


Napahawak ako sa railing at napa-upo. Hinimas ko ang aking binti na medyo masakit pa rin dahil sa muntikang pagkatumba kanina.


"Are you ok?" 


Dahan-dahan akong napa-angat ng tingin kay Samuel—si Samuel na masungit. Ngumiti ako sa kanya sabay peace sign na parang wala akong iniindang sakit.


"Ang pogi na'tin ngayon honeybunch," pang-iinis ko sa kanya. Hindi siya naka eye glass ngayon at halatang naka contact lenses siya dahil sa nag-iba rin ang kulay ng mata niya.


"You're definitely not ok." Napatawa na lamang ako sa reaksyon niya. Ibinaba niya ang bag niya at lumuhod sa harap ko.

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon