Chapter 16

316 20 3
                                    

Tahimik lamang akong nanonood ng game habang ang buong paligid ko ay halos hindi na mapakali sa kakasigaw ng mga chants nila.

If I was in the mood siguro isisigaw ko rin ang chant ng school namin pero hindi. I know I messed up, sana hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko kanina.

Masyado kung binibig-deal ang pagkakaroon ni Samuel ng babaeng gusto. Of course, why should I restrict him in liking someone? Wala naman akong karapatan or whatsoever. Fake-girlfriend niya lang ako.

Nang makita kung tumira ng free throw ang isa sa mga teammates ni Samuel ay bigla kong naalala ang favor ni Aika sa'kin kaya agad kong dinukot ang phone ko mula sa bag at nag simulang mag video sa game.

Everytime na hawak ni Samjay ang bola zinozoom ko pa ito dahil alam ko naman na hindi hilig si Aika sa bastketball. Nahing hilig niya lang ang basketball dahil naglalaro si Samjay.

Pinapanood ko lang siya mula sa phone ko. He's expression was very serious. Napaka-layo sa kung sino siya sa labas ng court.

He leaned his hands on his knees. Bakas sa mukha niya ang pagod pero nang iangat niya ang tingin niya sa camera ay biglang umaliwalas ang mukha niya.

He was smiling at the camera and even posed while waiting for the free thrower to finally release the ball. Ngumiti ako sa kanya.

Hindi naging matagumpay ang free throw kaya agad na tumakbo si Samuel para mag rebound. His height was very advantageous for him and his also every fast kaya naging madali para sa kanya na agawin ang bola.

Everyone was cheering for him while he was dribbling the ball across the court. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng bigla siyang tumira ng tres.

The game was intense but it's already fourth quarter at ilang minuto nalang ay matatapos na din ang laro. All they have to do was to make sure na hindi maaagaw sa kanila ang bola and Samuel Jay's team would win.

And they did...they won the game.

Napuno ng tunog ng drums at malakas na sigawan para sa team nila Samuel. I was actually really happy for them. Another win for us BNCHS! We are not called 'Home of the Champions' for nothing.

I stood up and clapped my hands for them. Nakisigaw na rin ako sa chant ng school namin hanggang sa nagsawa kami.

Some of the supporters tried approaching the players para magpa-picture—lalo na kay Samuel Jay. He's really popular not just for the he way he plays but for his looks kaya hindi ako magtataka kung maraming babae ang magkakandarapa pa ra sa kanya.

I was about to leave the gymnasium ng bigla akong tinawag ni Samuel. His hair was wet and I can see na nagpalit na rin siya ng damit.

Suot pa rin niya ang shorts niya kanina sa game pero nakasuot na siya ng plain white-shirt. Hindi ko maiwasang maalala si Khai.

Parating naka-suot ng white-shirt si Samuel Jay samantalang siya naman itong mahilig sa kulay black. Ang dilim talaga ng mundo ng lalakeng 'yon.

"Kain tayo, dating gawi," aya pa niya. Gusto ko sana siyang tanggihan but then I can't really say no to him. Kakapanalo lang din naman niya at gusto ko rin siyang i-congratulate kaya pumayag nalang din ako.

________

Nandito kaming dalawa ngayon sa kaininan ng lahat—sa kainan na tinuturing kung kainan naming dalawa noon.

Parehos kaming obsessed ni Samjay sa mga mga streetfoods kaya parati kaming tumatambay dito noon pagkatapos ng eskwela.

Tumigil lang kami sa pagkain ng magkasama dahil sa mga nangyari. It was really sad, when he confessed to me about his feelings that was when our friendship kind of broke.

The moment na nalaman ko na may gusto si Aika sa kanya ay pinili ko rin na gawin ang lahat ng makakaya ko para maiwasan siya. Samjay was both my failed blossoming love and a broken friendship.

"Sabi mo sa'kin noon gusto mong maging lawyer, parehos pa rin ba?" tanong niya sa'kin sabay subo ng tempura sa bibig niya.

Ngumiti ako. Things really do change. I used to want to become a lawyer until I realized that it wasn't really for me.

"Akala ko rin, hindi naman kasi talaga ako sure do'n, ngayon ,mas lalong hindi na ako sigurado," sagot ko sa kanya.

"Ikaw ba? Gusto mo pa rin bang mag Accountant?" tanong ko sa kanya. He nodded.

"Ngayon may isa na rin akong course na kino-consider, which is Legal Management. I kind of want to become a lawyer now dahil kina Dad at Lolo," paliwanag niya.

"I guess pag-iisipan ko nalang if natapos ko ang college." I nodded at him.

He really does have a plan. Ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko in the future. Para bang nag-aaral lang ako para sa bagay na hindi ko pa alam. The truth is, my dream isn't actually aligned to any courses in college because...I wanted to be a model.

Ayaw ko lang sabihin because it sounds so ridiculous right now. Kilala nila ako sa pagiging goal driven at academic type of person, hindi rin ako palasali ng mga pageant tapos biglang gusto kong maging model?

"Mabuti ka pa, sigurado ka sa mga gusto mo," I told him. He just chuckled before smiling at me. Para bang pinipigilan niya lang ang sarili niyang bumanat.

"Everywhere you go, I know you'll always find your way, Leah. Gano'n ka naman kasi talaga. Parati kang nakakahanap ng paraan para maging maayos ang lahat para sa 'yo," nakangiti niyang wika dahilan upang bahagyang gumaan ang pakeramdam ko.

Nagpatuloy na siya sa pagkain habang ako naman itong nakatingin lang sa kanya and that's when I realized that Manolo's kind of wrong.

Minahal ko talaga si Samuel Jay, sadyang, kinailangan ko lang talagang mag move-on.

I love the way he carried himself, I loved the way he treats other people nicely, and most of all I liked how kind his heart is. It's just that, things happened and I chose to move on.

Habang tinitignan ko siya ngayon, iba na ang nararamdaman ko sa tuwing nakatingin ako sa kanya. It's as if I was just staring at some old memory that I will never regret of making. He is my first love but he is definitely not my last.

"Gusto mo ba akong tanongin kung gusto pa rin kita?" tanong niya dahilan upang mapatawa ako ng bahagya.

"Ewan ko sa 'yo." He just laughed. Habang nagbibiruan kami ay ramdam ko na parang unti-unti na ring nawawala ang kung anong nararamdaman niya para sa'kin noon and it's a great feeling

"Sige, kung tatanongin kita, anong sagot mo?" He laughed.

"Fifty-Fifty," tugon niya.

"Fifty-percent Khristine, Fifty-percent Malea," dagdag niya pa dahilan upang mapatawa't iling na lamang ako.

At that moment, truth really did slap me right in my face. The Leah that used to have a big fat crush over him is gone. Hindi na ako nakakaramdam ng kahit ano sa mga banat niya. It was flattering but it wasn't the same.

"Pero seryoso..."

"I'm moving on, Leah. I figured, siguro tama ka, makakahanap pa ako ng iba hindi dahil sa gusto kung makahanap ng mas better sa 'yo but because I think I could still love. I could love her more." Ngumiti siya tsaka nagpatuloy sa pagkain. Bahagyang naka-awang ang bibig ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon.

Napangiti ako at nagpatuloy na rin sa pagkain. Nagkaroon na rin ng closure ang kung anong meron kami noon. It's kind of like a bittersweet closure, knowing that hindi naman talaga kami nagkaroon ng chance na simulan ang kwento naming dalawa.

I'm also very happy for Aika. Her admiration towards this guy is worth it. Worth it din na binitawan ko siya dahil alam ko na mararamdaman niya ang pagmamahal na ganito.

Samuel Jay is a great guy with great principles and attitude. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagustohan ko talaga siya noon.

'I loved him but that was all in the past.'

That statement itself could finally conclude that I'm over him. And the way that I felt like I was gonna explode earlier because of Samuel Khai Moriando Aguirre proves that I am definitely doomed.

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon