Chapter 25

313 17 4
                                    

Aika deactivated all of her social media accounts. Simula no'ng pumunta siya sa bahay namin ay hindi na kami nakapag-usap. Ang huling beses na nag chat kami sa isa't isa ay no'ng nagpaalam na siya na ba-biyahe na siya papunta sa Tita niya, malayo dito sa Buenavista. 


Ramdam ko ang pagod niya sa lahat ng mga nangyari kaya hindi ko na siya tinadtaran pa ng maraming messages kagaya ng karaniwan naming gingawa noon kapag may isa sa aming late mag-reply. 


Abala ako ngayon sa pagtutupi ng mga nilbahan ko no'ng isang araw. Naging maulan kasi kahapon kaya hindi agad na tuyo. 


"Sa labas muna ako Leah, aayusin ko muna mga bulaklak ko," pagpapaalam ni Lola sabay suot ng usual brown hat niya kapag umiiral na naman ang kanyang pagiging plant-lola. 


"Opo," tugon ko naman sa kanya habang abala lang sa pagtutupi ng damit. 


Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha upang makita kung sino iyong tumatawag. Si Isabelle. Alam ko na mag-aaya na naman 'to na pumunta kami sa bahay niya para mag meryenda. Hobby niya 'yon kapag bored siya sa bahay nila. 


"Hello Leah! Please come here if you're not abala with anything." 


Tama nga ako. "Sige sige, susunod ako tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko, Belle," sabi ko naman sa kanya. 


"Yehey! I'll be waiting for you. Mabuti at makapunta ka, unlike Genevieve. We're on the same school yet we rarely see or talk with each other because of her schedule. I miss her so badly." Bigla kong naalala si Ginny. Ginny is very...workaholic. Na-mention ko na rin na napaka-competitive niya to the point  na ino-overwork niya ang sarili niya para makuha niya ang rank na gusto niya. 


To be honest, it's very conscerning. Ayaw ko naman na pabayaan niya ang sarili niya para lang sa pag-aaral at sa napili niyang sport. "I know, madalang ko na nga rin siyang maka-usap pero intindihin nalang na'tin," sagot ko kay Isabelle. 


Magpapaalam na sana kami sa isa't isa ng bigla pa siyang magsalita. "By the way, I invited Venice. You know her, right?" 


Bigla kong natagpuan ang sarili ko na inaalala ang mga sinabi ni Collin no'ng nasa Centro cafe kami. Napa-iling ako. Nakalimutan ko na ang tungkol do'n, bakit bigla pang bumalik sa utak ko? 


"Of course...kilala ko siya. Na-meet ko siya sa debut mo," I told her. 


"Yeah, nabanggit ka rin niya sa'kin. She even asked about you kaya nga I invited her rin kasi nga she's so fond of you. I also think  she's curious about you kasi nga your Kuya Samuel's girlfriend. Their very close with each other." 


I went silent for a while at 'yong statement na, "Their very close with each other." ang paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko na para bang isang sirang plaka. 


Gosh! Gusto ko sanang ipagpilitan sa sarili ko na magkaibigan lang sila. 'Yong pagkakaibigan na tulad namin ni Manolo. Walang halong malisya at kung ano-anong friend-to-lovers trope na karaniwan mong nakikita sa mga libro at sa mga movies. 

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon