Chapter 3

554 24 0
                                    

Chapter 3

"Chocolate cake tsaka itong Strawberry Choco Milkshake," saad ko sa counter sabay kapa sa wallet ko na nasa all purpose pocket ng uniform ko.


"May plano ka bang magkasakit sa sugar in take mo?" Binigyan ko siya ng mapanghusgang mga tingin tsaka ngumiti.


"Wow, nahiya naman ako sa Espresso mo. Plano mo bang mag all nighters?" Sarkastiko kong tanong sa kanya sabay kuha ng wallet ko para bayaran na sana ang lahat. Nahiya na rin akong makipag hati kaya babayaran ko nalang lahat.


"I'll pay," he said casually.


"Hati nalang tayo," I suggested. Bahagya ko siyang binangga para parehos kaming magkaroon ng space sa counter. 


"Wala naman sa usapan na ikaw magbabayad para sa lahat," I told him.


Naglakad kami papunta sa bakanteng upuan na malapit sa bintana. "Wala naman tayong dapat masyadong pag-usapan tungkol sa mga kondisyones diba? Kailangan lang naman nating magpanggap na sobrang inlove na'tin sa isa't isa?" Panimula ko.


"Yes."


"Ang rason kung bakit ako pumasok sa relasyong ito ay para mapaniwala ko si Aika na inlove ako sa iba at hindi kay Samjay. Probably, this fake relationship would be over if either nagkasila or napagdesisyonan ni Aika na ayaw niya sa kanya..."


"Medyo malabong mangyari 'yon," I added. Right now mukhang imposibleng maka-move on si Aika kay Samuel eh halatang patay na patay 'yon sa kanya.


"And I was the one who suggested to fake-date because I wanted make everyone believe that I'm a likeable person. Likeable enough for them to vote for me," Saad niya. Nabaling ang atensyon naming dalawa nang may biglang naglapag ng pagkain at drinks sa harap namin.


"Thank you," masigla kong wika sabay ngiti sa waiter habang siya naman na tahimik lang na nakatingin sa inorder namin kanina.


"I don't think it's that hard. Marami ka ng contribution sa school. Alam naman ng lahat kung gaano ka katalino----"


"Be honest with me, will everyone vote for me just because I'm smart?" Natahimik ako sa naging tanong niya at napa-inom nalang sa strawberry-choco shake ko. Sabagay kung magka-batch kaming dalawa malabo na iboboto ko siya.


"Yup, marami akong narinig tungkol sa'yo both good and bad," pang-amin ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ko sa kanya.


Gosh, nasaktan ko ba siya? Totoo naman eh and alam kong aware na siya na maraming may ayaw sa kanya dahil sa pinag-gagagawa niya no'ng Grade 11 pa siya. Noon pa man, intimidating na talaga siya kaya maraming natatakot sa kanya. 


Hindi pa man siya nakakapagsalita. Presensya niya na mismo magsasabi sayo na kilalanin mo kung sino binabangga mo.


Amelie Veloso, isang senior na kinailangang mag-summer school dahil tinanggal siya ni Samuel sa grupo. The reason was understandable pero sinabihan niyang bobo—probably in english kasi ingleshero si Samuel—si Ate Amelie sa mismong hallway ng STEM building.

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon