Chapter 20

366 17 0
                                    

After everything that happened, tuluyan na talaga kaming hindi nag-usap ni Aika. Napansin iyon ng mga kaklase ko but they were nice enough not to interfere.

Hindi ko rin siya parating nakikita dahil sa mga nakahilerang school activities na gagawin. I have to practice for my choir, para sa battle of the bands, at of course para sa pageant dahil nalalapit na rin ang foundation day. 

As much as I wanted to see Samuel hindi ko siya pwedeng makita ng personal dahil nasa Japan siya ngayon para sa isang Science and Math Conference. Simula kasi ng mangyari iyon ay parati  na kaming nag-uusap. 

Mabuti na rin at sumasabay naman siya sa'kin kahit papano. As long as hindi siya nagrereklamo hindi ako titigil sa pag-gambala sa mala prince of darkness niyang buhay. 

[Samuel Khai sent a photo] 

Hindi ko mapigilang mapangiti. It was a picture of a cute robot. 

From: Malea Khristine

Ang cute! Picture ka nga feeling ko mas cute ka AHAHAHAHAHAHAHDSFNDSKDSJH

From: Samuel Khai Aguirre

No :)

Tahimik akong napatawa tsaka nagselfie sa tabi ng stage. "Oy sali!" sigaw ng isa sa mga kasama ko sa choir hanggang sa dumami na kami sa frame. 

"Send mo na 'yan sa jowa mo!" Sabi ni Ian dahilan upang mapatawa silang lahat. I pouted before laughing. 

"Ewan ko sa inyo." 

Sinend ko ang picture kay Samuel na agad niya namang sineen. Ano kayang ginagawa niya sa mga oras na 'to? Tumutulong ba siya sa paggawa ng mga robots? Nagsosolve ng mga math problems? o di-kaya nambabara ng mga hapon? 

From: Samuel Khai Aguirre

 So your doing your rehearsals. I'm currently on break. We will be having a talk about engineering later. 

Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabasa ang message niya. Napapansin ko na humahaba na ang pagchachat. Posible kaya na makayanan kong bagohin ang isip niya kagaya ng ginawa niya sa'kin? Maybe he could like me the same way I do. 

From: Malea Khristine 

Ingat! By the way, magpapatuloy muna kami sa practice. Enjoy ka diyan sa conference mo! 

Pinatay ko na ang cellphone ko at isinilid ito sa bag. Habang nagpapractice kami ng piece ay hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa kanya. Maybe I could change his mind. Just maybe. 

___________

After ng conference ay agad akong naglakad papunta sa studio ng school para makapag-practice kami nina Manolo para sa battle of the bands. Nalalapit na rin kasi ang foundation day ng school kaya todo practice na rin kami. 

Magpeperform din kami sa para Night Life Party ng school kaya kailangan din naming mag prepare ng another song. Sana talaga makauwi na si Samuel by foundation day para makita niya akong mag-perform. Gusto ko pa namang ipagyabang sa kanya na marami akong alam na instrument. Baka sakaling type niya 'yong mga gano'n.

"Diba kasali ka sa pageant?" tanong ni Manolo sa'kin sabay set ng amplifier. 

"Hala ba't hindi ka naman nag tell na beauty queen ka pala?" tawa ni Anton sabay laro ng cymbals sa harap ko. Napakamot ako sa ulo ko tsaka tumawa nalang para itago ang pagka-ilang. 

"Alangan naman ibandera ko sa buong school na representative ako ng STEM woo hoo," tugon ko naman sabay wagayway ng drumsticks. 

"Kung sabagay nga naman," wika ni Anton tsaka tinesting ang instrument niya. 

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon