Chapter 28

365 16 3
                                    

Bakasyon na at heto kaming dalawa ni Samuel ngayon sa kotse niya. Humingi siya ng permiso kina lolo't lola na ilalabas niya daw muna ako, masaya naman ako at pumayag sila at parang kompyansa na rin sila sa kanya dahil kahit kailan wala pa siyang usapan na hindi niya tinutupad. 


Nakasuot ako ng shade habang naka-sandal sa bintana ng sasakyan. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Ang sabi niya lang naman sa'kin ay may ipapakita daw siya sa'kin pero hindi man lang niya sinabi kong ano at para saan. 

"You'll see," he stated as he smoothly turned the steering wheel. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa mga pagbabago kagaya nito. He just got his driver's license and next week graduation niya na tapos posible na pupunta na rin siyang abroad para mag-aral. 

Huminto ang kotse at lumabas na rin kaming dalawa para kunin ang mga gamit sa likod. Tinulungan ko na rin siya sa pag set-up. "Picnic?" excited kong tanong sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango sabay ngiti ng kaonti na parang nahihiya pa. 

Inayos ko ang pagkalatag ng mantel sa may tabing puno habang siya naman ay inaayos na rin ang mga pagkain. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya 'yon. I can't believe I'm with this guy right now, samantalang noon may nalalaman pa akon, "Hinding-hindi ako mahuhulog sa lalakeng 'yon." 

Nang matapo kami sa pagseset-up ay umupo na kaming dalawa habang nakatingin sa magandang tanawin mula sa itaas. Buenavista City. Kahit na hindi siya gano'n ka lakeng syudad ay hindi pa rin ako magsasawang humanga sa simpleng ganda na meron ang syudad na 'to. 

Dahan-dahan kong isinandal sarili ko sa balikat ni Samuel. "Ang bango mo," nanggigigil kong wika sabay lapat ng aking ilong sa balikat niya. 

Nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti. Noon, napaka-ilap ng ngiti niya pero ngayon parang nagsimula na rin akong masanay sa mga ngiti niya. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa kanya gayong hindi naman siya gano'n ka mabulaklak kung magsalita. So maybe it was the way that he listens. Maybe it's the way how he remembers every details. 

Dahan-dahan niyang nilapat ang labi niya sa aking noo. Bigla kong naramdaman ang pagka gulo-gulo ng tiyan ko sa simpleng kilos na iyon. "Ano ba kasi pabango mo? Pwede pahingi para naman ma-amoy pa rin kita kahit nasa America ka na," malungkot kong wika. 

He looked at me with sadness in his eyes as if he was telling me that his considering not to continue his original plan. "I actually considered another school here in the Philippines, if you want I could even take an examination for another engineering course para mas malapit lang tayo sa isa't isa." 

Agad akong umiling sa kanya sabay hawak sa magkabilang pisngi niya. Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko. Nagmumukha tuloy siyang siopao sa pag-sandwich ko sa mukha niya.

"Wag na wag mong isakripisyo ang pangarap mo para sa'kin, at para sa kung anong meron tayong dalawa," paalala ko sa kanya. 

"Unahin mo ang pangarap mo," I told him 

"What about us Leah?" Napakurap ako ng tatlong beses sa naging tanong niya. He thought about us and that's enough for my heart to feel secured. Alam ko na magiging mahirap ang long distance relationship gayong mga bata palang naman kaming dalawa at marami kaming pagdadaanan sa college. 

Pwede kaming mawalan ng oras sa isa't isa. Pwede ring masyado na kaming nagbago para maging match pa rin o di kaya baka matagpuan nalang namin ang mga sarili namin na nawawalan ng pagmamahal para sa isa't isa. 

When you're young, you think that everything would go according to your plan but, unfortunately, life doesn't work like that. Isa rin sa natutunan ko sa paghihiwalay nina Mama't Papa na hindi lahat nalulutas ng pagmamahal lang. You have to be committed and responsible. 

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon