Chapter 21

332 14 0
                                    

Abala kaming mga SSG officers sa pagdedecorate ng gymnasium ng school. Bilang ako ang pinaka-matangkad na officer---dahil nga wala si Samuel ng pagsamantala---ay naging trabaho ko na ang maging taga-sabit ng kung ano-ano. Mapa-bulaklak man 'yan o mga bandiritas.

"Mas lalo ka talagang tumangkad Leah, ikaw na nga ang pinaka-matangkad na officer eh sunod kay Aguirre," wika ni VP sa'kin sabay abot ng bandiritas.

"Mabuti at hindi nahirapan sa paghahanap ng pair. I mean ang hirap kayang magka-jowa ng babaeng matangkad," pahabol naman ng treasurer naming. Parati ko 'yang nakukuha noon pa. Being tall is nice when you're a boy but when you're a girl it makes you look intimidating for the boys kaya ang pangit daw tignan.

Pero habang tumatagal mas nagugostohan ko na rin ang height ko. The more that I watched model walk that runway mas lalo kong nagustohan ang height na meron ako.

"Stereotype lang naman kasi 'yan. Bakit pag babae bawal ng maging matangkad? Sometimes we have to accept that height doesn't really matter in terms of finding someone we would associate ourselves romantically."

"Tsaka, halatang nagagasgas lang ang ego ng ibang lalake kapag nakakakita sila ng babaeng mas matangkad sa kanila," tawa ni VP dahilan upang mapasabay na rin ako.

"True ka talaga diyan VP, ang daming stereotypes jusme 21st century na! Oras na para basaggin ang mga makaluma't hindi magandang mindset," pagsang-ayon naman ng Treaurer naming.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kabilang dako ng gym tsaka umakyat sa pinaka-huling bleacher para isabit ang bandiritas ngunit bago ko pa man ito magawa ay may kamay na pumigil sa akin. Inangat ko ang aking tingin upang makita kung sino iyon.

Muntikan pa akong mapatalon ng mapagtanto na si Samuel iyon. Napa-takip ako sa kaing bibig at napayakap sa kanya sa sobrang saya. "Great, now they'll think were so inlove," bulong niya sa'kin dahilan upang mapatawa na lamang ako.

Perks of fake-dating your crush: Pwede mo siyang yakapin kahit hindi naman kayo.

"Wow! Nakauwi ka na pala Aguirre, akala ko ba bukas ka pa makakapunta?" pang-uusisa ni VPp habang naka-kibit balikat. Maging ako rin ay nagtataka. Sabi niya sa'kin na bukas pa siya makaka-dalo dahil sa ngayong araw ang flight niya.

"I took of the earliest flight as possible," kaswal niyang sagot.

"Talaga ba Pres? O baka dahil kay Leah," pantutukso naman ng Treasurer naming. Lumingon ako kay Samuel upang makita ng maayos ang reaksyon niya. Nang magtagpo ang mga mata naming sa isa't isa ay agad niya itong iniwas na para bang may tinatago siya sa'kin.

"I think that we should talk less. Marami pa tayong kailangang asikasuhin."

"This decorations woudn't decorate the whole gymnasium by itself," ma-awtoridad niyang wika sabay agaw ng hawak kong bandiritas.

I stood there frozen. Bakit bigla siyang naging defensive. "Akala ko nga talaga ngayon ang flight mo," I told him. Hindi siya agad nakasagot. Para bang pinag-iisipan niya ang kung anong itutugon niya sa sinabi ko.

"I just arrived, actually," pag-amin niya dahilan upang mapadilat ako. Goodness! Almost five hours ang flight galing Japan at isang oras naman galing Manila papuntang Butuan City. Tapos magroroad trip pa siya ng mga fourty-five minutes to one hour para makarating dito sa Buenavista City.

Iniwas niya ang kanyang tingin sa'kin sabay takip ng bibig niya para humikab. "Wag mong sabihing pagkatapos ng trip mo agad kang pumunta ng school?" He looked at me. Halatang nag-iisip ng magandang sasabihin.

"Yes," simple niyang sagot sabay baling ulit ng atensyon niya sa kung anong ginagawa niya.

"Hindi ka man lang ba nagpahinga? Jusme ka, bakit parang nagmamadali ka ata?" natatawa kong wika sabay kibit-balikat.

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon