Chapter 8

380 18 0
                                    

Chapter 8

"Kinakabahan ako, paano kong malaglag ako sa stage?" Pabulong kong wika habang kumakain kaming dalawa sa pinaka-sulok na bahagi ng library. Hindi siya nakatingin sa'kin habang kumakain ng buko salad na gawa ni Lola kagabi. 

"Then don't fall," sagot niya. Halatang distracted sa sobrang sarap ng dala ko. Bumawi naman ako sa kanya kasi magmumukha na akong buraot at ako parati ang nakaka-ubos ng prutas na dinadala niya sa school.

"Paano ko naman masisiguro 'yon eh first time kong sumali ng pageant." Lumingon siya sa direksyon ko.

"Are you comfortable? If not, you could always back out." Nakatingin siya sa'kin ng mata sa mata na para bang binabasa kung gusto ko ba talaga o hindi. Hindi ko mapigilang mapangiti kasi kahit papano ay nakikita ko na may concern pa rin siya. 

"Gusto ko talagang sumali," nahihiya kong tugon. Nilaro ko ang mga daliri ko. Tinatago ang hiya na nararamdaman ko. Parang ang ambisyosa kasi pakinggan.

Ako? Gusto maging pageant queen? Eh wala nga sa kalinkingan ni Aika 'yong pagmumukha ko tapos isama mo pa 'yong lakad ko na parang nag-aaya ng away. 

"Sadyang, pakeramdam ko ang ambisyosa ko naman ata eh layo ko sa mga babaeng sasale." 

"Then do you want to join?" 

"Kasi pangarap ko kasi talaga na maging boses para sa ibang tao," sagot ko sabay lingon sa kanya. "Pag beauty queen pwede mong maipakita sa lahat ang advocacy mo, pwede kang maging prinsesa na nagbibigay inspirasyon sa ibang tao," paliwanag ko habang iniimagine ang sarili ko. 

"No'ng bata palang ako gusto kong maging prinsesa," saad ko habang pilit na pinipigilang mapatawa. Natigilan na lamang ako ng mapagtanto ko kung sino nga pala itong kausap ko. 

Nakatingin lang siya sa'kin na para bang hinihintay ang susunod na sasabihin ko. "Sorry ha." Magzizip my mouth na sana ako kagaya ng parati kong ginagawa nang bigla siyang magsalita. 

"You want to be a princess...what happens next?" Napakurap ako ng tatlong beses. For some reasons, hindi ko mapigilang mapasaya. Pakeramdam ko mahalaga ako dahil gusto niya akong pakinggan. Gusto kong mapakinggan. 

"No'ng nag junior high ako, nag decide ako na mag volunteer. Umattend sa mga feeding programs, mga pabasa, mag donate ng mga libro sa mga bata. Doon ko na realize na kahit hindi man ako gano'n kayaman maraming mas nahihirapan kaysa sa'kin." 

"Dahil sa pagvovolunteer ko, nakita ko na maraming bata ang napagkakaitan ng oportunidad. Maraming bata ang napapagkakaitan ng tsansang maipakita ang talentong meron sila. Gusto kong maging prinsesa na magsisilbing boses para sa kanila." 

"Nakasuot ka ng korona, habang nagiging boses ka para sa iba. Parang totoong prinsesa hindi ba?" Natatawa kong tanong sabay baling ng tingin sa kanya. 

"Ang corny diba? Ang yabang pakinggan." 

"I don't think so," tugon niya.

"Diba dapat kasi beauty and brains? Eh saan ako lulugar niyan?" Pagpapatawa ko ulit. Pilit na tinatago ang hapdi sa mga binibitawan kong mga salita. Aaminin ko na kahit tumatawa ako, nasasaktan ako, kasi totoo naman eh ang layo ko. 

"You really have to see yourself from other people's point of view," tugon niya sabay subo ng buko salad sa bibig niya. 

"You're not ugly..." Saad niya tsaka sumubo ulit ng pagkain. Hindi ko mapigilang mapangiti habang hinihintay siyang matapos sa pag-nguya. 

"You're not stupid...and I...I think you really have a beautiful heart." Nagtagpo ang mga mata naming dalawa pero agad niya rin itong iniwas. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. "Salamat ah," sinsero kong wika sabay tapik sa balikat niya. 

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon