Chapter 14

394 18 0
                                    

"Ikaw lang ata 'yong nakita kong pinaka-masayang puyat," pagbibiro ni Yttrep na ngayon ay kasama ko sa pagdadala ng mga libro.


Nag-usap kaming dalawa ni Samuel kagabi at hindi ko namalayan na na abutan na pala kami ng hating gabi sa pag-uusap tungkol sa mga kung ano-anong bagay tungkol sa isa't isa na hindi namin madalas pinag-uusapan sa iba.


Nang pumasok na rin ako para matulog ay hindi pa rin ako dinalaw agad ng antok kaya ang ending ay hindi ako nakagising ng maaga para makalinya't makaligo pero kahit gano'n fresh pa rin naman ako ano. Ayaw ko naman na mag amoy nabubulok na solid waste ako sa gilid.


"Ang ganda siguro ng panaginip mo kagabi kahit maikli lang," pangangantiyaw niya pa pero heto ako pilit na iniiwasang mapangiti habang naaalala ang mapupungay na mga mata ni Samuel at ang pula ng kanyang labi.


"Iba talaga dinudulot ng pagmamahal, nagmumukha kang timang."


"Hindi noh, excited lang ako na marami na naman tayong batang matutulungan for today's video," pangdedepensa ko sa sarili ko pero binigyan niya lang ako ng mapanghusgang mga tingin na parang sinasabi niya sa'kin na kahit bato matutunaw sa kasinungalingan ko.


"Sabi mo eh, syempre paniniwalaan ko  'yan," saad niya sabay lapag ng mga libro sa table. Halata pa rin sa mukha niya na may iniisip pa rin siya taliwas sa sinasabi niya. 


"Yttrep," tawag ni Killian sabay lagay ng name cap sa ulo ni Yttrep. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa lalo na't kaming dalawa ni Manolo lang ang nakakaalam na may gusto si Killian sa kanya. 


"Salamat." 


"Basta ikaw," agad namang tugon ni Killian habang abot tenga ang ngiti kay Yttrep. Halata...sobrang halata pero ewan ko ba sa babaeng 'yan at hindi niya mapansin. Ang ikinakatakot ay baka hindi lang talaga mapansin ni Yttrep ay dahil hanggang kaibigan lang ang tingin niya kay Killian. 


"Eto naman sa 'yo, Leah." Agad kong tinanggap ang name cap na inabot ni Killiang at pinasadahan siya ng tingin. 


Inayos ko muna ang pagka-tali ng buhok ko para naman maganda at presentable ako tignan kahit may suot akong malaking cap na may pangalan ko. Ilalagay ko na sana ito sa ulo pero bigla itong tinangay ng hangin. 


Sinundan ko ito hanggang mag landing ito paanan ni Samuel. Agad niya itong dinampot at tinitigan ito saglit. "Akin na," wika ko sa kanya pero sa halip na ito'y ibigay sa akin ay maayos niya itong nilagay sa ulo ko. 


May tinira pa siyang kaonting hibla buhok sa harap kagaya ng karaniwang ginagawa ko. Habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lang ako sa mukha niya. Sa mapungay niyang mga mata, sa kanya mapupulang labi, at sa hugis ng kanyang mukha na tila'y pinaglaanan talaga ng panahon ng may gawa. 


"You look great," pang-cocompliment niya sa akin dahilan upang ako'y matauhan. "Ikaw din," ngisi ko kahit na sa kaloob-looban ko'y halos lumuwa na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. 

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon