Chapter 22

350 18 3
                                    

Nanalo kami sa battle of the bands. Napaka-exciting ng mga pangyayari kanina sa battle of the bands. We played mash-up of my favorite band and then boom nanalo kami.

"Mabuti nalang at may mga kaibigan tayo sa BNCHS at pwede tayo makasali sa Night Life Party," natutuwang wika ni Marina habang sinusuksuk sa bulsa 'yong ticket niya.

"Pwede naman kasing sumali kahit outsider basta student pa rin at may valid ID ka lang na student ka. Tsaka of course kailangan mong bumili ng ticket sa amin," tugon ko naman sa kanya.

"Ewan ko mas masaya night life party niyo kaysa sa amin," reklamo ni Marina.

"Nakakasawa pagmumukha ng mga tao do'n sa Clifford. Ang yayaman pero maasim ang ugali," dagdag pa niya dahilan upang mapatawa kaming tatlo samantalang composed lang si Genevieve na nakikingi sa'min.

"Can't deny that," singit naman ni Ginny.

Mas lalong lumakas ang music habang papalapit na kami sa field ng school. Bigla akong nakaramdam ng excitement ng marinig ko ang musika. "Leah," tawag sa'kin ni Isabelle sabay nguso sa kabilang direksyon.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Samuel na kasama si Collin na nakatingin sa amin. "Puntahan mo na, halatang nag-aaya ng bebetime," wika ni Marina. Tumawa si Yttrep pero agad din siyang tumigil ng lumingon kaming tatlo sa kanya.

"Ba't naman kayo nakatingin sa'kin ng ganyan?"

"Kung makatawa ka naman parang walang nakatingin sa 'yo sa paligid-ligid," tugod naman ni Marina.

"True! You make lingon din naman kasi paminsan-minsan," dagdag pa ni Isabelle na mas nagpatawa sa amin.

"Genevieve," pagpapalaban ni Yttrep. "Pumili ka na kasi," wika ni Ginny dahilan upang mapatawa ulit kaming tatlo.

"Wala naman kasi akong dapat piliin. Mag-focus kayo diyan kay Leah at matunaw na yan kakatitig nung lalake sa gilid," pang-iiba ni Yttrep sabay tulak sa'kin.

"You go girl!" pang-checheer ni Isabelle sabay hila kina Marina, Yttrep, at Genevieve papalayo sa kinaroroonan ko. Ang sasama!

"Collin," naiinis na wika ng isang pamilyar na boses.

Inangat ko ang aking mga mata. Napakamot siya sa kanyang batok na parang hindi alam kung anong sasabihin. "Sorry for that, tinulak niya ko," pangdadahilan niya pa.

"Don't act as if you're not dating the girl," suway ni Collin sa kanya dahilan upang mapabuntong hininga si Samuel bago niya hinarap ang pinsan niya.

"One more word, Collin, one more word," pagbabanta ni Samuel pero hindi nagpatinag si Collin at nakangisi lang siyang nakatingin sa aming dalawa.

"Leah!" Tawag ng isang pamilyar na boses. Nakangiti akong lumingon kay Samuel Jay at kumaway sa kanya. "Samuel Jay!" lalakad na sana ako sa direksyon niya pero bigla kong naramdaman ang braso ni Samuel sa bewang ko.

Bigla kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko sa ginawa niya. Napa-angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin kay Samuel Jay habang hindi pa rin inaalis ang kinaroroonan ng kanyang braso.

"May I?" he whispered, looking down at me. Wala sa sarili akong tumango at doon ko naramdaman ang pagdampi ng kamay niya dahilan upang mas lalo akong makaramdam ng kakaiba.

"Ikaw pala! Sino kasama mo?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin umaalis mula sa kinatatayuan ko. Lumapit si Samjay. Napansin ko pa ang pagtaas niya sa kanyang kilay ng makita ang kamay ni Samuel na nasa may tagiliran ko.

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon