Chapter 5

440 20 0
                                    

Chapter 5


Hindi ko alam pero parang gusto ko nalang talagang maging tao at kainin nalang 'yong hotdog sa ref namin.


Halos maiyak ako sa saya ng makita ko na pinag-aralan ko lahat ng mga lumabas sa test-paper. Nakangiti ako at pilit pinipigilan ang luha ko. Ewan ko pero nagiging emosyonal talaga ako pag test na ang pinag-uusapan.


"Miss De Silva, are you alright?" Tanong ni Sir sa akin dahilan upang mai-angat ko ang tingin ko sabay pahid ng luha sa gilid ng mga mata ko.


"O-opo," nakangiti kong sagot.


"Masaya lang po." Kunot noo niya akong pinagmasdan pero mabuti nalang din at hindi na siya nagbigay pa ng maraming tanong.


Mukhang mapapa-gastos ata 'yong si Samuel.


Madali kong natapos ang test kaya nagkaroon pa ako ng sapat na oras para ireview at basahin ulit ang questionaire. Napalingon ako sa direksyon ni Aika. Bakas sa mukha niya na para bang nahihirapan siya kaya tinitigan ko siya hanggang sa mapansin niya ako.


Lumingon siya sa'kin na para bang sinasabi niyang nahihirapan siya at kailangan niya ng tulong. Luminga-linga ako para tignan kung nasaan si Sir. Malabo na mabigay ko ang answers ko sa kanya lalo na't malayo ang upuan naming dalawa sa isa't isa.


Hindi pa man ako nakapag-isip ng solusyon ay biglang nagsalita ang teacher namin na kukunin niya na ang mga answers at mga test-questionaires. Tumingin ako kay Aika na para bang pinapaliwanag ko sa kanya na hindi ko alam kung paano ko mabibigay sa kanya ang answers ko.


Umiling siya at tumingin sa kabilang direksyon kaya hindi ko makita ang mukha niya. Ibinalik niya muli ang tingin niya sa'kin at ngumiti dahilan upang bahagya akong makahinga ng maluwag. Hindi siya galit sa'kin.



**



Nandito na kami sa memorial gym kung saan gaganapin ang game nila Samuel Jay. Nagsimula na ang laro at halos mabingi na ako sa lahat ng mga sigawan at chant ng mga schoolmates ko at mga supporters ng kabilang team.


"Samuel Jay sirain mo buhay ko!" Sigaw ng babae sa likod dahilan upang mapalingon kaming dalawa ni Aika. Nagkatinginan kaming dalawa at napatawa na lamang.


"Girl, akin 'yon eh," bulong niya. Hindi ko alam pero natatawa nalang ako dahil marami pala kaming may gusto sa kanya.


Kapwa kaming naka-upo habang nanonood. Nagfe-free throw ngayon ang isa sa mga teammates ni Samjay habang siya naman itong seryosong naka-abang inkaso hindi ma shoot.


Seryoso siya. Sobrang seryoso na aakalain mong makikipag-suntukan siya sa lahat ng taga Clifford. Sobrang layo sa personalidad niya sa labas ng court kaya nakakapanibago talaga.


Inangat niya ang kanyang mga mata tungo sa direksyon ko and for some reason his facial expression quickly changed. Ngumiti siya sa direksyon ko dahilan upang bahagyang bumilis ng kaonti ang tibok ng puso ko.


"Nakatingin ba siya sa'kin?" Tanong ni Aika dahilan upang mapagtanto ko na marami nga pala kami dito.


Tsaka, di hamak na mas nakakaagaw pansin si Aika kompara sa'kin. Kung sa ganda lang din naman ang pag-uusapan talo na ako sa kanya.


"Mukha nga," sagot ko.


Sumigaw ang lahat ng ma-shoot ang free throw kaya ngayon ay todo takbo sina Samjay sa kabilang dako ng court para dumepensa.


Maging ako ay hindi na mapigilang mapasigaw ng maagaw ni Samuel ang bola mula sa kalaban.


Seryoso siyang dumidribol na para bang humahanap ng tiyempo para i-shoot ang bola.


With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon