[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Crescent Euporie wasn't supposed to fall in love with Arche Eury, her fuck buddy but what would happen if she found out he was hiding her because he was in a polyamory relationship with other people?
𝗥𝗘𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SHE thought, it would be one time only. Hindi niya inaasahan na tatagal sila ni Eury ng anim na buwan.
Tuwing bakasyon ay magkasama silang dalawa. Mas lalo rin siya naging busy sa part time job niya but their relationship never changes.
They became friends. Mas nakilala niya ito. Kahit hindi niya gusto ay tinutulungan siya nito kapag may problema siya. She was thankful that she met him.
Kahit maloko at makulit ito ay sobrang maalalahanin at mabait naman ito sa kaniya.
Kumagat siya sa dala niyang mansanas habang hinanap ang page kung saan siya huminto sa pag babasa. Nasa isang parke siya. Sa tuwing na-i-stress siya sa school works o part time job ay sinusubukan niya pumunta sa isang parke, museyo o sa gilid ng river.
Isa iyon sa paraan upang gumaan ang pakiramdam niya. Kahit siya lang mag-isa.
Nasa kalagitnaan na siya sa pagbabasa nang makarinig siya ng tahol ng isang aso. Pinatitigan niya ang cute na golden retriever na papunta sa kaniya.
Hahawakan niya sana ito nang mapansin niyang nasa gilid niya ang isang maliit na bola. Lumawak ang ngiti niya nang i-abot sa kaniya ng aso ang bola. Nag tataka siya na kinuha ito.
"Scout!"
Inangat niya ang kaniyang ulo nang may lumapit sa kaniyang isang lalaki. May hawak itong itim na leash. Sa tingin niya ay ito ang may-ari ng aso.
"I'm sorry, miss. I told Scout to give the ball to me." Niluhod pa nito ang isang tuhod at ginulo ang balahibo ni Scout. Umiling-iling naman siya at inabot dito ang bola.
"Ayos lang. I love dogs. His name is Scout?"
Ngumiti ito sa kaniya. "Yeah, gusto mo ba magpakilala sa kaniya?"
Natuwa naman siya nang sabihin ito ng binata. Umayos siya nang upo at hinarap ang mga ito. Tinaas niya ang kamay at winave ito. Nag pakilala siya. "Hi, Scout! My name is Crescent."
Tumingin pa siya saglit sa binata. Nahuli niyang nakatingin ito sa kaniya. Wala naman itong sinabi bagkus ay hinawakan nito ang kamay niya. Nagulat pa siya pero mas nagulat siya nang abutin ni Scout ang paw nito sa palad niya.
"Nice to meet you, too," saad niya habang marahan na hinawakan ang paw nito. Binalik niya ang tingin sa binata at nag pasalamat dito.
Tumayo na ito at nilagyan ng leash si Scout. Kahit siya ay napatayo rin. Marahan niya hinawakan ang ulo ni Scout at nag paalam dito pagkatapos ay humarap siya sa binata. Gusto niya malaman kung ano ang pangalan nito.
Medyo nagulat pa siya dahil ang tangkad nito. May kulay brown itong mata at may nunal ito sa gilid ng temple nito.
"Sige, Crescent. Mauna na kami."
Medyo na-disappointed siya nang hindi ito nag pakilala sa kaniya. Aalis na sana ang mga ito nang mag salita siya.
"I'm sorry, I didn't catch your name." Nakita niya kung paano sumilay ang isang sulok ng labi nito habang pinagmamasdan siya nito.