Chapter 20

3.7K 53 1
                                    

TULALA na hinalo niya ang tinimplang kape

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TULALA na hinalo niya ang tinimplang kape. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang sinabi ni Arche sa kaniya. Paulit-ulit itong nag re-replay sa kaniyang isipan. Pinatong niya ang siko sa lamesa at nilagay ang kamay sa baba.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?"

Binaba niya ang kamay at nilingon si Kale. Across the table, umupo ito in front of her. May dala rin itong kape. Maaga kasi siyang nagising at iniwan si Arche sa silid nito.

"Ah, wala. Hindi lang ako gano'n nakatulog kagabi," sagot niya. Tumaas ang kilay nito. Parang may pinaparating sa kaniya. Mabilis niya ito sinagot, "kung ano man niyang iniisip mo. That's not it."

"Then, what is it?" pursigido pa rin nitong tanong sa kaniya. Bumuntong hininga siya. "Eury asked me to live with him, basically with all of you since—" Tinuro niya ang apartment. Naintindihan naman ito ni Kale.

"Ayaw mo?"

"Hindi sa ayaw ko." Huminto siya saglit. Nag-isip. "Hindi ko lang alam kung tama ba. Sa inyo itong apartment, kung sisingit ako. I don't know if it's appropriate ba."

"Hm," he hummed. Pinatitigan naman niya ito. Hinihintay ang sunod nitong sasabihin. "Ayos lang naman sa 'kin kung dito ka titira." Sumilip ito sa kaniya saglit bago humigop ng kape.

"Oh?" She sighed. "I'll think about it."

Tumango ito sa kaniya pagkatapos ay parehas silang natahimik nang pumasok si Arche ng kusina. Nagtataka itong nakatingin sa kanila. Nagkibit balikat na lang siya at niyaya itong kumain ng almusal.

PINAGISIPAN niya nang mabuti ang sinabi ni Arche sa kaniya. No'ng una ay balak niya itong i-reject dahil nag aalangan siya kahit gusto niya ito makasama. Gusto niya ito makita sa tuwing gigising siya at sa tuwing bago siya matutulog.

At these past weeks din ay mas dumalas ang pagtulog niya sa mga ito. Nahihirapan kasi siya kung siya lang ang mag-isa natutulog. Inikot niya ang tingin sa apartment niya. Mapapamura siguro siya kung may kahati siya sa bayarin ng apartment.

Kinuha niya ang cellphone at tiwagan ang numero ni Arche. Sumagot naman ito agad sa kaniya.

"Hey, bab—" Hindi na niya agad ito pinatapos bagkus ay siningitan niya ito. "Yes, Eury. I'll live with you."

Natahimik ang kabilang linya. Kinakabahan na tinawag niya ang pangalan nito. Baka kasi bawiin nito ang sinabi nito sa kaniya kagabi dahil hindi siya agad nakasagot.

"Are you sure? Hindi naman kita pinipi—"

"I'm hundred percent sure, Eury. I want to live with you."

Made 4 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon