Chapter 14

4.3K 51 1
                                    

SA gabi rin 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA gabi rin 'yon. Arche invited her to stay in their apartment. Nag aalala kasi ito para sa kaniya. Pumayag siya rito dahil sa mga oras na iyon. She needed someone to lean on.

Magulo ang utak niya at baka kung ano ang magawa niya kung uuwi pa siya sa apartment niya. Mabuti na lang talaga at hindi siya hinayaan ni Arche mapag-isa man lang.

Sinubukan niya rin kontakin ang ampunan na pinang-galingan niya. Mabuti na lang talaga ay matagal na siyang mayro'n na kopya ng contact details ng mga ito. Hindi na siya nahirapan pa.

Nang matapos siya ay binalik niya ang isang text na kanina pa napadala sa kaniya. Binasa niya ang text ni Michael.

Thanks for meeting me, ate. Lunch tayo next time!

Matagal niyang pinagmasdan ang text sa kaniya. Nag aalangan siya kung re-replyan niya ito o hindi. Ang pagkikita nila kanina ay hindi niya gano'n expected. Ang gaan ng pakiramdam niya rito at hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang labi.

Gano'n pala ang pakiramdam na may kapatid.

Ok.

Nilagay niya ang cellphone sa side table nang bumukas ang pinto sa kubeta. Lumabas dito si Arche nag pupunas ng basang buhok.

"Ayos ka lang?" tanong nito sa kaniya. Mariin niya ito pinatitigan. "Salamat sa pagsama sa 'kin," saad niya rito.

Binagsak nito ang hawak na tuwalyang maliit at lumapit sa kaniya. Umayos siya ng pagkakaupo. Nakatitig si Arche sa kaniya at unti-unti gumapang palapit sa kaniya.

Natawa naman siya. "I was just saying my gratitude," umiiling na saad niya rito. Tuluyan na siya nito nadaganan. Kiniliti nito ang tagiliran niya. Tawa naman siya nang tawa hanggang matigil silang dalawa.

Parehas nakatingin sa isa't isa hanggang unti-unti binaba ni Arche ang mukha sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Sinagot naman niya ang bawat hagod ng labi nito sa kaniyang labi.

Bumitaw si Arche sa kaniya at pinatitigan ulit siya sa mata. "Alam mong palagi kitang sasamahan," namamaos nitong bulong sa kaniya pagkatapos ay hinalikan nito ang leeg niya.

NAG susukatan ang kanilang mata nakatingin sa isa't isa ni Arche. Gumuhit pa ang nakakalokong ngiti ni Arche sa labi bago tumingin sa nag iisang piraso ng pizza sa harapan nila.

Binaling niya rin ang tingin dito at mabilis na ini-scretch ang kamay para maabot ang nag iisang pizza sa harapan nilang dalawa ngunit nabigo siya sa pag kuha nang mas mabilis nakuha ni Arche ang isang piraso ng pizza.

"Ah! Kainis ka naman!" inis na sigaw niya rito. Kumuha pa siya ng chips para ibato sa mukha ni Arche.

Nakabusangot na nilingon niya si Scout nakahiga sa sahig pagkatapos ay binalik niya ang tingin kay Arche.

"Ang bagal mo kasi," natatawa pa na saad ng binata sa kaniya bago kinagat ang mainit na pizza.

Pinagmasdan niya ang pagkagat nito rito. Nakita niya kung paano humaba ang cheese sa pagitan ng bibig nito at ng pizza. Natatakam na dinilian niya ang ibabang labi at inis na sinipa ito sa tuhod.

"Aray!" singhal ni Arche sa kaniya na muntik na rin mabilaukan.

"Buti nga sayo!" inis niyang sigaw rito bago tumayo at nag marcha palayo rito ngunit agad din siya tumigil sa paglalakad nang maabutan niya si Kale.

Balak niya sana ito iwasan dahil hanggang ngayon ay medyo na a-awkward pa rin siya sa nangyari sa kanilang tatlo.

"Hi," bati nito sa kaniya. Ngumiti at tumango naman siya rito.

"Oh, Kale? Nandiyan ka pala," ani Arche. Hindi niya namalayan nasa likuran na niya pala ito.

Lumayo nang kaunti si Kale sa kaniya pagkatapos ay binalingan si Arche sa kaniyang likuran. "Mag go-grocery tayo. Gusto ni Heather mag barbecue for dinner." Binalik ni Kale ang tingin sa kaniya. "You can come with us."

Ngumiti siya rito. "Okay."

ISANG sasakyan lang ang ginamit nilang apat para na rin makatipid ng gas. Mahal pa naman ngayon ang langis. Nasa backseat silang dalawa ni Arche.

Nang makababa sila sa loob ng parking lot. Kumuha naman sila ng cart malapit sa entrance. Dalawang cart ang kinuha nila. Isa sa kanila ni Arche. Ang isa naman ay kala Kale at Heather.

"Magkita na lang tayo sa cashier," bilin ni Heather sa kanila. Sumang-ayon naman sila rito bago sila nagpatuloy ni Arche sa pamimili.

Una nilang pinuntahan ni Arche ay ang mga alak. Pinanood niya ang binata na busy mag lagay ng iba't ibang uri ng alak sa hawak niyang cart. Kumuha rin ito ng fresh milk at dalawang bundle ng yakult.

"Sino sa inyo umiinom ng yakult?" Natawa pa siya. Sinamaan siya ng tingin ni Arche. "Ako— may problema ba?"

Umiling-iling siya pero hindi niya mapigilan ang ngumiti rito. "Stop grinning, Crescent."

Umayos siya nang tayo. Hinawakan niya pa ang pisngi at labi para patigilin ito sa pag ngiti. Hindi naman siya nabigo. Nagpatuloy sila sa pamimili. Hindi gano'n karami ang nasa cart nila. Halos inumin ito at ilang personal things.

Naisip niya na baka na kala Heather ang ibang importanteng mga pinamili habang siya naman ay kumuha ng ilang stocks para sa apartment niya.

Katulad ng pinagusapan. Nagkita sila sa counter. Medyo mahaba ang pila pero hindi gano'n sila katagal nag hintay. Nang matapos sila ay isa-isa nilang nilagay sa trunk ng sasakyan ni Kale ang mga pinamili nila.

"Sandali lang, sasabay na rin si Kenji sa 'tin," anunsyo ni Heather. Tiningnan niya tuloy 'yong pwesto nila. Kasya pa ang isa sa backseat kung nasaan sila ni Arche kaso hindi niya alam kung paano pasasamahan si Kenji.

Para kasi sa kaniya, hindi na niya ito kailangan kausapin dahil ayaw na niya hayaan ito pumasok sa buhay niya. Nahihirapan na nga siya kala Kale at Heather tapos may madadagdagan pa? Parang hindi na niya kaya 'yon.

Mabuti na lang talaga at may bitbit na sasakyan si Kenji nang makita niyang huminto ang sasakyan nito sa gilid nila. Nakahinga siya nang maayos.

She was busy being nervous nang maramdaman niya ang kamay ni Arche sa ibabaw ng kamay niya. Pinisil nito ito ng marahan. Napansin niya rin nakatingin sa rear-view mirror sina Heather at Kale. May pag-aalala sa mukha nito.

Umiwas na lang siya ng tingin dito. Binalik niya ang tingin sa labas. Binaba ni Kenji ang bintana katulad ni Heather.

"Sumunod ka na lang sa likuran," ani Heather. Nang matapos magusap ng dalawa ay nauna na silang umalis do'n na kasunod ni Kenji sa kanilang likuran.

Made 4 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon