Chapter 23

4.5K 52 9
                                    

KINABUKASAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINABUKASAN. Pinatawag niya sina Kale at Kenji para makapagusap sila. Hinayaan sila nina Heather at Arche. Nasa studies room silang tatlo. Nakaupo ang dalawa sa couch habang siya naman ay isa-isang hinawakan ang mga librong nasa shelves.

Kumukuha siya nang lakas ng loob para mag tapat ng kaniyang nararamdaman sa dalawa. She was glad. The two respectfully waited her to speak.

Nang makakuha siya nang lakas ng loob. Humarap siya sa mga ito. Parehas sinalubong niya ang tingin ng mga ito sa kaniya. She cleared her throat. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanila.

Should she just tell them na parang hindi siya kinakabahan? O kailangan niya bang bonggahan?

Napahawak tuloy siya sa sintido niya. Kinakabahan siya at nanlalamig ang mga kamay niya.

"It's okay, Crescent. You can relax," engganyo sa kaniya ni Kenji.

Huminga siya ng malalim bago lumapit at tumapat sa mga ito. Napansin niyang nagulat ang dalawa sa kaniyang ginawa.

"I-I said relax not to scared us."

Uupo na sana siya sa sahig nang parehas tumayo sina Kale at Kenji para daluhan siya. Sa sobrang kaba niya ay parang bibigay na binti niya.

"I'm so nervous," pag tatapat niya sa mga ito.

Tumawa si Kale. "Kami lang 'to," mayabang na saad nito. Umikot tuloy ang mata niya rito pagkatapos ay dumako ang paningin niya sa kamay ng dalawang nakahawak sa mag kabilaan niyang kamay.

Mabilis tuloy naalis nila ang kamay sa kaniya. Disappointed siyang tumingin sa mga ito.

Tumayo siya at umupo sa kinauupuan ng mga ito. Alanganin naman na tumabi sa magkabilaan niya ang dalawa.

"'Wag kayo mabibigla pero gusto ko rin kayo."

Katahimikan. Namayani ng katahimikan. Bumusangot tuloy siya.

"Kinakabahan ako rito tapos walang mag sasalita sa inyong dalawa?!" inis niyang saad. Parehas niya pa ito nilingon.

"Sorry," paumanhin nilang parehas. Bumuntong hininga siya. Tatayo na sana siya nang parehas siya pinaupo ulit ng dalawa.

"Teka lang, nag pa-process pa sa utak ko sinabi mo," ani Kale. Natawa siya. Nilingon niya si Kenji. Tumango-tango ito sa kaniya.

Nakangiting tumango siya sa harapan. Hinintay niya ang dalawa ma-grasp ang mga nangyayari.

"Fuck," Kenji mumured. "Fucking shit talaga!" saad pa ni Kale. Narinig niyang tumawa ito. Nagtataka na lumingon siya rito.

Made 4 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon