Chapter 4

5.8K 86 22
                                    

INIWAN niya si Arche sa harap ng apartment niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INIWAN niya si Arche sa harap ng apartment niya. Pumasok siya na occupied ang utak. If she could afford na hindi pumasok. Gagawin niya ngunit kumuha siya ng ilang part time jobs para makapagtapos. Hindi niya sasayangin iyon dahil lang nasasaktan siya.

Walang tutulong sa kaniya mag paaral dahil hindi naman niya nakilala ang totoong magulang. Natatakot din siya pumunta sa orphanage na pinang-galingan niya at alamin ang buong detalye kung paano siya napadpad doon.

At kung bibiyan man siya ng pagkakataon. Baka mas pipiliin na lang niya na makita ang mga ito at hindi kausapin. Nasanay siya na wala ang mga ito. Kinaya naman niya at alam niyang kakayanin niya pa.

"Crescent." Nilingon niya ang binatang tumawag sa kaniyang pangalan. Nakatayo sa kaniyang likuran si Arche. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay.

"I don't want to talk to you."

"It's not like we're dating," bara nito sa kaniya. Pinanlisikan niya ito ng tingin. He was right. So, ano pinuputok ng butchi niya? Ah, right. She was in love. Fuck. Love.

"Fuck you. I hate you so much!" nanggagalaiti niyang sigaw dito bago ito tinalikuran at mabilis na nag lakad palayo rito.

She heard him cursed. Mas binilisan niya ang lakad palayo rito pero nabigo siya. Hinawakan nito ang braso niya at pinaharap siya nito.

"Ang kulit mo rin. Sinabi 'kong ayoko kita kausap. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

"We need to talk."

"Ayoko nga sabi!" Inalis niya ang kamay nito sa braso niya. Kinuha naman nito ang kamay niya at niyakap siya nito nang mahigpit.

He was hugging her in front of their schoolmates in the corridor. He never did that. Hindi sila naguusap o nagkikita sa loob ng university. Ayaw na ayaw nito nagkakaroon sila ng connection kapag nasa loob sila unibersidad.

So, what happened to that?

PINANOOD niya ang ilang schoolmates nilang nagmamadaling pumasok sa bawat klase ng mga ito habang siya naman ay nasa loob ng sasakyan. Pinayagan niya magpaliwanag si Arche kung ano man ang gusto nito sabihin sa kaniya.

Alam niyang wala siyang karapatan but they had deals. Kahit ayon man lang ay respetuhin ng binata para sa kaniya.

"I'm sorry."

Nilingon niya ito. Hindi siya natutuwa. "Akala ko ba mag papaliwanag ka? Please, enough with your apologies. I need you to tell me why?"

Malalim na bumuntong hininga ito. Hinilamusan ang mukha at ginulo ang buhok. Nakarinig din siya ng ilang mura.

Ibang-ibang Arche ang nakikita niya sa mga oras na 'yon. Hindi ito 'yong Arche Eury na pala ngiti, mapang-asar at palaging lumalandi sa kaniya. Hindi niya tuloy mapigilan ang ma-curious. Ano ba talaga ang problema?

Made 4 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon