[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Crescent Euporie wasn't supposed to fall in love with Arche Eury, her fuck buddy but what would happen if she found out he was hiding her because he was in a polyamory relationship with other people?
𝗥𝗘𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NASA sala sina Arche at Heather kinagabihan nang makita ni Arche kanina sina Crescent at Kale na magkasama.
Tinanong ulit kanina ni Arche si Kale kung ano ang ginagawa nito ngunit katulad kanina ay hindi ito sumagot ng maayos sa binata.
Walang choice si Arche kung hindi tanungin si Heather lalo na't nakakausap na nito si Crescent. Nang malaman ng binata nagkakausap ang dalawa ay natuwa ito.
Gusto ni Arche na hindi mailang si Crescent sa relasyon mayro'n sila. Masaya din si Arche makita magkaroon ng panibago pang kaibigan ang dalaga. Deserved kasi ito ni Crescent.
"I don't know," Heather said. Tinanong kasi ni Arche kung madalas ba magkita ang dalawa na hindi niya alam.
"Are you sure?"
"Babe, I won't lie to you. Try mo na lang tanungin si Cres. I'm sure mag sasabi 'yon sa 'yo."
Bumuntong hininga si Arche. Hindi ito natutuwa sa nararamdaman. Gusto nito ipagdamot si Crescent. Kontradikta sa relasyon mayro'n ito kasama sina Heather at Kale.
"I'm sorry." Lumapit si Arche kay Heather at hinalikan ito sa sintido.
"Alam mong ayos lang sa 'kin but next time don't doubt me. I'm always honest with you."
Natigilan si Arche. Nakaramdam ito ng pagka-guilty. Hindi ito naging honest sa kanilang relasyon. Napansin iyon ni Heather. Hinawakan nito ang kamay ng binata.
"Arch, look at me. Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa 'yon. You love her and that's fine. You know, I'm happy na hindi ka na nahihirapan."
"I'm sorry," paumanhin ni Arche. "Shh." Hinahawakn ni Heather ang pisngi ni Arche at hinalikan ito sa labi. Tumugon naman ang binata sa halik nito hanggang tumigil silang dalawa.
Marahan na hinaplos ni Arche ang pisngi ni Heather habang nakatingin ito sa mga mata nito.
"Ask her, okay? Wala kang mapapala kay Kale. He's still mad at you."
"I know."
"But still, intindihin mo si Kale."
"I know." Pilit na ngumiti si Arche sa dalaga. Yumakap naman si Heather sa tagiliran nito.
WEEKS had past nang tanungin siya ni Arche kung madalas sila magkita ni Kale. Umuoo siya rito dahil ayon ang totoo. Sinunod niya ang payo ni Kale na kausapin si Arche tungkol sa kaniyang nararamdaman.