Chapter 26

5.2K 54 0
                                    

NAKAPILA sila ni Kenji papasok sa loob ng theatro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKAPILA sila ni Kenji papasok sa loob ng theatro. Nasa likuran niya ito. Si Kenji ang sinama niya dahil na-gi-guilty siya last time. Hindi man lang naging maayos ang date nilang dalawa. Pumayag naman sina Arche at Kale. At isa pa, Kenji liked theater.

Ang musical na panonoorin nila ay "Ang Huling El Bimbo."

Chineck 'yong tickets nila bago sila sabay pumasok sa loob. Nasa second floor 'yong seats nila. Bandang loge parts. Nasa gitna rin. Ang sabi ni Michael ay isa 'yon sa best seats.

Pinagmasdan niya ang mga taong unti-unti pumapasok sa loob. Natuwa siya nang makitang maraming gustong manood at suportahan ang kanilang sariling teatro.

Nilingon niya si Kenji sa kanan niya. "Have you read the synopsis?" tanong niya rito. Ngumiti ito sa kaniya.

"Magagalit ka ba sa 'kin if I tell you I already watch this?"

"What?!" gulat niyang saad. Magkasalubong pa ang dalawa niyang kilay. May apologetic naman na mukha si Kenji.

"Sorry, natuwa kasi ako no'ng sabihin mong gusto mo bumawi sa date natin. Kahit na hindi naman na kailangan. Wala akong pakealam kung saan tayo pumunta basta ikaw kasama ko."

She pouted. Kinuha niya ang kamay nito at pinagdakop ito. "Gusto rin kitang kasama. I guess, thanks for lying."

"It was a white lie," katwiran pa nito. "It's still a lie, Ken. 'Wag mo na uulitin 'yon. I was so excited pa naman. Sa susunod sabihin mo sa 'kin. Ayos lang naman."

"Ok, but ayoko lang talaga bawiin mo. Baka biglang si Arche or Kale ang yayain mo," paliwanag pa nito. Nginitian naman niya ito. Hinalikan niya pa 'yong likod ng palad nito.

"Don't worry. Kapag ikaw niyaya ko, it means ikaw 'yong gusto kong kasama. Maliban na lang kung ayaw mo."

"Never!" She chuckled. "Ok."

Nagulat siya nang biglang namatay ang ilaw. Tumahimik sila ni Kenji nang bumukas ang ilaw ng entablado. Naging seryoso sila manood. Kahit alam na ito ni Kenji ay hindi naman ito nag spoil sa kaniya.

Pumapalakpak din sila sa tuwing nakakatapos ng isang kanta ang mga aktor. Amazed na amazed siya sa galing kumanta ng mga ito.

Sobrang galing din no'ng gumanap na Joy sa kwento. Ang ganda ng boses.

Mas lalo nanahimik ang lahat no'ng nasa act na sila kung saan nag Antipolo ang mag kakaibigan. Mariin na hinawakan ni Kenji ang kamay niya at hinalikan ito. Saglit siyang sumilip dito pagkatapos ay binalik ang tingin sa stage.

Napasinghap siya nang ginahasa ng mga gangster si Joy habang ang mga kaibigan nito ay walang magawa kung hindi panoorin at pakinggan lang dalagita sa pag-iyak at pag mamakaawa.

Tumulo ang kaniyang luha. Iyak siya nang iyak. Inakbayan siya ni Kenji at hinalikan ang sintido niya. She was glad kasama niya ang binata. Dapat talaga binasa niya 'yong synopsis para hindi siya nabibigla.

Made 4 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon