Chapter 7

4.6K 68 5
                                    

HAWAK ni Arche ang kamay niya nang parehas silang tumigil sa paglalakad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAWAK ni Arche ang kamay niya nang parehas silang tumigil sa paglalakad. Sa kanilang unahan ay sina Heather at Kale na parehas magkahawak ang kamay sa isa't isa.

Nilingon niya si Arche sa kaniyang gilid. Hindi niya ito nakikitaan ng selos. Gusto niya rin tuloy mag tanong dito kung ano ang nararamdaman nito sa tuwing magkasama sina Heather at Kale.

She would try to ask him if may pagkakataon siya.

"Cres, gusto mo sumama? Nagyaya si Kale mag amusement park," ani Arche sa kaniya habang palapit sila sa dalawa.

"Sure, sama ako."

Nang tumapat sila sa mga ito ay hinalikan ni Arche si Heather sa noo pagkatapos ay nag fist bump ito kay Kale. Parehas naman niyang ngitian ang dalawa.

"Sumama ka, Crescent," ani Heather sa kaniya. "Sure, I'd love to."

"Ayon naman pala! So, Cres. How about you decide what we eat since you love your food so much," ani Kale. Hindi niya mapigilan matawa sa sinabi nito. Napagtanto niya sa tuwing nakakasama niya ito ay palagi puro may ugnayan sa pagkain.

Naiiling na tinaasan niya ito ng kilay. "No, 'wag mo sa 'kin iatas 'yang malaking role. May sari-sarili tayong panlasa, no!"

"Sus! Pagkain lang naman 'yan."

She made a face. Kukurutin niya sana si Kale nang may kamay na pumigil sa kaniya. Nabalik tuloy ang tingin nila kala Arche at Heather.

"I didn't know you two were close," may paguuyam na wika ni Arche sa kanila. Gusto niya tuloy kaltukan ang sarili.

"We're not close," saad niya. "Yeah, we weren't," Kale also said pero napansin niya ang mariin na titigan ng dalawa.

Pumalakpak si Heather at hinawakan ang braso ni Kale. "Tara na, guys! And kayo na lang ni Arch ang mag decide," ani Heather pagkatapos ay nauna na ang mga ito mag lakad palayo sa kanila.

Binalik niya ang tingin kay Arche. Nakatingin ito sa likuran nina Heather at Kale. Tinawag niya ang pangalan nito. Doon naman ito lumingon sa kaniya. He cleared his throat then hinawakan ulit nito ang kamay niya at sabay na sila sumunod sa mga ito.

Next time, she would be very careful sa mga pinagkikilos niya o mas magandang magusap sila ni Arche.

NALULULA na pinatitigan niya ang taas ng Extreme tower sa kaniyang harapan. May mga ilang tao ang nasa tuktok nakasakay dito. Pinikit niya ang mata nang biglang bumagsak ito galing sa itaas.

"I'm so excited!" Mabilis niya minulat ang mata nang marinig si Kale magsalita sa kanilang unahan ni Arche. Naka-akbay si Kale kay Heather na halatang excited din sumakay sa ride, kabaliktaran sa kaniya.

"Are you okay?" Arche asked. Of course, she wasn't okay. Nakapila lang naman sila para sumakay sa isang extreme ride na ngayon niya lang masusubukan dahil sa tuwing nakakadalaw siya sa arcades ay palagi lang siya naka-stick sa video games.

Made 4 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon