Chapter 17

4.3K 58 2
                                    

EVERY tapos ng studies niya at work niya sa library ay dumi-diretso siya sa hospital

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EVERY tapos ng studies niya at work niya sa library ay dumi-diretso siya sa hospital. Gano'n palagi ang ganap nila ni Michael. Madalas nilang dalhin sa hospital ang school works.

One time ay napagalitan sila ni Sir Berlin ang ama ni Michael. Kung gagawa raw sila ng school works ay dapat ginagawa talaga nila ito. Kung mag babantay sila ay dapat bantay talaga ang gagawin nila.

Alam niyang nasabi lang iyon sa kanila ni Sir Berlin para na rin sa kanila. Mahirap ipagsabay ang isang bagay but then again, buong buhay na niya ito ginagawa. Nag-aaral at nag ta-trabaho siya.

Easy na lang sa kaniya ang mag bantay. Sa gano'n pa man, naiintindihan niya si Sir Berlin. Ang pagkakakilala niya kay Michael ay isa itong mabait at sweet pero pasaway. May respeto at masunurin pero gagawin ang lahat kapag alam nitong nasa tama ito. Lalo na kung ikakabuti ng lahat.

"Ate!" Speaking of the little devil, Michael called her. Lumapit ito sa kaniya na may dalang plastic. Nakataas ang kilay niya na pinatitigan ito.

"Ano 'yan?" mataray niyang tanong dito. Sumagot naman ito. "Ice cream, duh!"

Kinuha nito ang maliit na cup ng ice cream. Tag-isa sila. Binigay nito sa kaniya ang vanilla flavor habang kinuha nito ang chocolate.

"Gusto ko ng chocolate," aniya. Tinaas nito ang kamay. "Hep! No, akin 'to." He even stuck his tongues out.

"Damot." Tawa lang ang naging sagot ni Michael sa kaniya.

HINDI siya iniwan nina Arche, Kale, Heather at Kenji. Madalas pumunta ang mga ito sa hospital para kumustahin siya pati na rin ang kaniyang ina.

Nakaraan pa nila ito hinihintay magising. Matapos nang atake nito. Akala nina Michael ay mawawala na ito sa kanila at akala niya ay hindi na niya ito makikita pa.

Nagpapasalamat siya dahil naagapan ito. Ngumiti siya kay Kale nang makita itong palapit sa kaniya. Nasa library siya. Duty niya sa mga oras na iyon. Nag hihintay na lang siya matapos ito bago siya dumiretso sa hospital.

Balak niya sana no'ng weekend na puntahan ang orphanage nag kupkop sa kaniya ngunit nawalan na siya ng oras pa. Mukhang hindi na rin naman niya kailangan dahil nahanap na niya ang ina. Nakikita na niya ito sa kaniyang harapan ngunit natutulog nga lang ito.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kale nang makalapit ito sa kaniya. Bigla kasi bumusangot ang mukha niya nang maalala ang ina.

May pagkakataon pa kaya siya na makausap ito? Matanong ito kung bakit siya nito iniwan? Matatanggap niya kaya ang magiging rason nito? Matatakot ba siya kapag nagkaroon na ng pagkakataon na makausap ito?

Maraming tanong ang pumapasok sa kaniyang isipan. Umaga't gabi ay hindi mag tigil ang kaniyang pag-iisip. Pasalamat na lang siya dahil hindi siya iniiwan at pinapabayaan nina Arche.

Lalo na ngayon. Binalik niya ang tingin kay Kale. Unti-unti na rin nawawala ang pagiging awkward nila sa isa't isa. Kailangan kasi nila mawala iyon dahil madalas silang magkita nito at wala silang choice para hindi ipilit.

Made 4 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon