Act 16

51 1 0
                                    

Act 16

“Nakakainis,” pagdadabog ni Kervin na ngayon ay pinipilit ayusin ang kanyang salamin habang nakaupo sa may cottage malapit sa building ng Education Department. Hindi na din nya napapansin ang mga pagbubulungan ng mga taong nadaan na mga nakakita sa nangyari sa cafeteria.

“Hahaha”, tawa ng nang-aasar na si Earl. “Buti, hindi ka naKnock-out sa suntok ni San Agustin nuh?”

Napatingin naman si Kervin kay Earl na ngayon ay tumatawa pa din.

“Mas mukha tuloy akong weakling kanina eh, ni hindi ko man lang nasalag ang suntok ni Geusef,” depressed na sambit ni Kervin.

Tumitig si Earl sa kasama at mapang-asar na sumagot, “Sa brave girl attitude ni Vivian mas gusto nya pang kampihan ang mga inaapi.”

Natigilan si Kervin.

Tumigil na sa pagtawa si Earl, “Try to analyze, sa lahat ng gumagalaw ngayon sa buhay ni Vivian sino yung tao na si Vivian yung unang pumansin? Ako ba? Si San Agustin?... ‘Di ba ikaw?”

Inakbayan ni Earl si Kervin, “Kung isang play lang ang lahat ng ito... You’re the lucky nerd the diva fell for.”

Napatingin si Kervin sa salamin nyang nagkaroon ng sira kaya’t hindi nya na maiisuot ng tama. “Sadly, this ain’t a play. I’m just a nerd, ain’t lucky for a her to fall for me. In reality she’ll go for the bad boy.”

Earl sighed, “Nagkamali ako.”

“Saan?”, tanong ni Kervin.

“Tsk. Sa pag-Eenglish, English major ka nga pala. Oh sya, tama na ang kakaEnglish, natitigang ang VOCAB ko, limited lang kaya ko,” sagot ng mapagbirong binata. Biglang naging seryoso ang pananalita nito, “Ang mahalaga ngayon ay malaman na natin kung sino ba talaga ang killer ni Dane... Seryoso ka bang sigurado kang hindi si Vivian?”

Tumango si Kervin. “Oo, 100% sure na hindi yun si Vivian.”

Sa theatre hall, nakarinig ng mga yabag si Vivian at nang medyo nasilayan nya na, ay si Alden.

“Alden, si Cza? Sabi nya nandito na daw sya,” tanong ni Vivian.

“Ah, oo nandun sya sa dressing room. Ikaw pala ang hinihintay nya?”, sagot ni Alden na tila may iniisip.

Nilagpasan na ni Vivian si Alden upang puntahan si Czarina. Ngunit hinawakan sya ni Alden sa braso saka nya muling tiningnan ang binata na tila may malalim na iniisip.

“Si Geusef?” tanong nito.

“Nasa field pa siguro, ewan...”, halos pabulong na sagot ni Vivian.

May namuong ngiti kay Alden sa sagot ni Vivian, alam nyang may nangyari.

“Samahan mo na nga lang ako kay Czarina,” yaya ni Vivian.

Nawala ang ngiti ng binata, “Sure”.

May nakaharang na bote sa pintuan ng dressing room kaya’t nakaangat ito. Pumasok na si Vivian sa dressing room, ngunit madilim dito. “Cza? Bakit patay ang ilaw?” Kinapa nya ang switch, pero biuksan na pala ito ni Alden. Laking gulat ni Vivian sa nakita nya sa may sulok ng dressing room.

May piring, may nakabusal sa bibig, nakatali ang mga binti, at nakatali ang mga kamay may mga pasa sa mukha at puro gabok ang suot na uniform.

“Czarina!” sigaw ni Alden at agad na lumapit sa dalaga. “Hindi ko maintindihan, anong nangyari?” Bakit gan’to?”

Hindi makapagreact ng maayos si Vivian. Iniisip nya kung sino ang maya gaw nito kay Cza. Ngunit lalo lamang syang kinilabutan nang sumagi sa isip nya ang message ni Angry Bird kanina sa Facebook, “We’ll be waiting...”

 Nakarating na ba sila? Sila ba ang may gawa nito kay Czarina?

“Tatawag ako ng tulong,” agad na sambit ni Vivian.

Hinila nya ang door knob.

Ngunit ayaw nitong magbukas.

“Ano ba yan?! Bakit ayaw magbukas?!”

Saka nya naalala ang bote kaninang nakakalang sa may pinto ng dressing room.

Last week pa nagkaroon ng instance na ‘di makalabas ang mga tao sa dressing room dahil sira ang door knob nito kaya pansamantala ay nilalagyan nila ito ng kalang. Ang way nalang para mabuksan ito ay mula sa labas.

Pero, bakit ngayon pa? Kung kailan kailangan nila ng tulong.

Nilingon nya ang dalawa ni Czarina, tinatanggal ni Alden ang mga nakatali kay Czarina.

Lumapit si Vivian sa kan’la pero masama ang tingin ni Alden sa kanya. “Kasalanan mo ito nuh?!” Pasigaw nitong tanong sa naguguluhang dalaga.

Ngunit, natigilan sila nang nagsimulang nagkamalay si Czarina.

“Cza, anong nangyari?” tanong ni Alden.

Inilagay ni Czarina ang hintuturo sa labi ni Alden na tila pinatatahimik nya ito.

“Wag kang maingay baka nandito pa sila. . .”, tila hikbing sagot ni Cza.

“Sila?”, tanong ni Vivian. Lalo lamang nya naisip ang katauhan ni Angry Bird.

“Di ko maintindihan Cza,” sambit ni Alden.

Yumakap si Czarina sa binata.

“Tara nang umalis dito,” sabi ni Cza.

“Nakalock tayo dito Cza,” sagot ni Alden.

“Pero, di ba may practice kaya baka mamaya nandito na din ang mga casts.”

“Sana buhay pa tayo pagdating nila dito,” pabulong na sabi ni Czarina.

“Namukhaan mo ba sila Cza?” tanong ni Cza.

Agad na sumagot ang dalaga, “Pinatay ang ilaw kanina at hindi sila umiimik. Pinalo lang ako kanina ng isang matigas na bagay saka ako nawalan ng malay. Kaya di ko sila nakilala. Pero ramdam ko na dalawa sila.”

Natahimik sila nang makarinig sila ng mga yabag galing sa labas ng dressing room.

Pwedeng, ito ay mga members ng theatre club or, ang mga nanakit kay Czarina, or pwede din namang ang mistryosong nagmmessage kay Vivian.

giocosovivace

Malapit na ang katapusan, nahuhulaan nyo na ba ang tao o mga taong nasa likod ng maskara?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beneath that MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon