Act 1: The Main Casts

1K 5 2
                                    

Act 1:

The Main Cast

“I don’t like that script! A waste of my time! Writer ka ba talaga?!”, sigaw ni Vivian sabay tapon sa isang folder na puno ng script. Nagliparan ang mga papel sa theatre hall.

“Gagawa ako ng bago, yung mas madami kang part. Gusto mo ba yung simula pa lang...”, hindi na natapos ni Heidi ang sasabihin n’ya sa pag lapit sa kanya ni Vivian.

“You know, Heidi kaya na lang hindi maiact dito sa stage yang mga script mo. Napakainconsistent mo kasi! Wala akong sinabi sa’yo na kaya ayoko sa script mo eh dahil I have such a pitiful part to play!”, dahan-dahan na pananalita ni Vivian ngunit palakas ang boses.

“Ano bang kailangan kong baguhin para... maistage ang script ko?” pabulong na tanong ni Heidi habang nangingilid ang mga luha nito sa kanya mga mata na halos sa paa na lamang ni Vivian kayang tumingin.

Nagbuntong- hininga si Vivian at nagsalita, “I just don’t see any potential on your writings! No revisions can be done to your work.”

Nakarinig na lamang ng mga yabag na patakbo ang mga tao sa theatre hall kasabay ng mga malalakas na hikbi mula kay Heidi.

“Vivian, sobra ka na! Halos, kasabay natin na nakapasok sa theatre si Heidi,” naawang sambit ni Czarina sa kaibigan.

“Yun, na nga Czarina. 4 years na tayo dito sa theatre pero crappy pa din ang mga pinepresent nya na scripts. Nagtataka nga ako bakit nandito pa s’ya,” sagot ni Vivian habang nagbabasa pa din ng mga script proposal para sa theatre.

Name: Vivian Laurette

Age: 18

Gender: Female

School: 4th year, BSInfo, El Cid University

Description: Ang lead role actress ng El Cid Theatre at ang tinatawag na “Theatre Genius”. She’s a born diva from H2T. Hahawiin n’ya ang crowd sa paglakad n’ya na tila babalutin ang paligid ng malakas na hangin. Kanya lamang ang spotlight at ang bawat manunuod ay titingin para lamang sa kanya. She’s born to be on stage, to perform.

“Pati, walang emotions ang mga dialogue nya,” dagdag ni Vivian habang nagbibilog ng mga salita sa mga binabasa n’yang script.

“Why not, give her script a shot?”, tanong ni Czarina.

Itinigil ni Vivian ang pagbabasa at sinabi, “Czarina, hindi isang role play sa classroom ang gagawin ng El Cid Theatre. As much as possible ang hinahanap natin eh yung may texture ang sinulat!”

Ano pa nga ba ang magagawa ni Czarina, matigas ang ulo ng kaibigan n’ya. Iba si Vivian, may attitude s’ya, oo at yun ang isang bagay na tinitingala sa kanya ni Czarina. Ang ugali nito na kakaiba.  Magkakasabay lang sila nina Heidi at Vivian na makapasok sa El Cid Theatre nung freshman year nila. Si Vivian ay nakuha bilang actress, si Heidi bilang isa sa mga playwright at sya bilang stage director.

Name: Czarina Rivera

Age: 19

Gender: Female

School: 4th year, BS Civil Engineering, El Cid University

Description: One of the greatest artist in the university. Sadly, hindi s’ya pang performing arts. She’s creative and witty. Innovation ang laman ng brush strokes n’ya. Napapasali na sa mga galleries ang mga ginagawa nyang art. S’ya ang best friend ng diva. Minsan, she’s mistaken as Vivian wanna- be. But she’s just idolizing her friend. And to her opinion she’s playing the role, “the best friend”.

Beneath that MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon