Act 8 Part 1
The Bad Boy
Nakaupo lamang si Vivian habang nakatitig sa paper bag na na may laman na handkerchief na maaring ginamit para patayin si Dane.
After a while naalala nya ang panyo na iyon ay ang ginagamit ni Dane pantaklob sa pisnge nya nang sampalin sya ni Czarina noon sa theatre hall.
Dapat nya ba itong ireport sa police? Kay Officer Castro? Pero, suspect na si Vivian mas lalo lang ipopoint ng panyo na ‘yun ang name nya kahit she’s inncoent, isip ni Vivian.
In full concentration si Vivian nang biglang magVibrate ang phone nya. Kinuha nya yun at nakita ang isang message from Czarina.
“I need to ask you something seriously and honestly”,basa nya sa message.
I knew you were trouble when you .... Cza calling...
“Hello, Cza?”
“I really need your honest answer... up for it?” tanong ni Czarina.
Mukhang alam na ni Vivian kung ano ang nais malaman nito mula sa kanya.
“You’re not in any part nang pagkakapatay kay Dane, right?” tanong nito.
“Wala akong kinalaman in any part whatso ever...” sagot ni Vivian. Nakarinig naman sya ng isang sigh, maybe of relief.
“Okay, that’s enough for me to believe you...” mahinang sabi ni Czarina.
Nagpaalam na si Czarina sa kaibigan.
“So, kung inaalam ni Cza kung part ako sa pagkaka-murder kay Dane, does that mean she’s innocent?”, may pag-aalinlangang tanong ni Vivian sa sarili.
PING!
Geusef San Agustin sent you a message.
Binuksan ni Vivian ang Facebook message.
“Bakit di mo pa ako tinetext or tinatawagan?”, basa ni Vivian sa message ni Geusef. Napangiti sya. Panandaliang nalimutan ni Vivian ang tension about Dane’s murder.
Sa isang bar nakaupo si Geusef hawak ang phone at nag-aantay na magreply si Vivian.
“Dre, seryoso ka ba kay Vivian or victim lang talaga sya?” tanong ni Alden na may hawak na shot glass.
Ipinatong ni Geusef ang phone sa table at tiningnan si Alden, ngumisi ito at saka sumagot, “Not really sure... I feel that there’s something about her that I want to see. And selfishly parang gusto ko ako lang ang makakita.”
Napatawa naman si Alden sa isinagot ni Geusef.
“Alam mo naman siguro na isa si Vivian sa mga main suspect sa pagpatay dun sa isang student, Dane nga ba yun? Di ba?”, tanong ni Alden.
“Yup, kalat na kalat ang balita. Pero, everyone’s a suspect. And compared to Vivian mas mukha ako or ikaw ang dapat suspect.”
Agad namang tumawa si Alden sa seryosong dating ng sinabi ni Geusef. “Dre, Just Give Me A Reason, kung bakit naman natin papatayin yung Dane na yun?” Sabay halakhak muli nito. Ngunit napatigil nang mapansing seryoso pa din ang mukha ni Geusef hanggang sa muli itong magsalita.
“Well, pwedeng ang dahilan ko ay kasing simple nang inagaw nya ang role kay Vivian na syang dahilan ng pag-aaudition ko sa play. Tapos, sayo naman pwedeng... Dahil nakasagutan at nakaaway ni Dane si Czarina na ex mo,” sagot ni Geusef.
Natigilan si Alden at naging seryoso na din ang facial expression. “So, whatya saying? Na ikaw or ako ang pumatay kay Dane?”
Sabay ngisi naman ni Geusef kay Alden, “Nope.”
Sabay tawa ng dalawa.
Tumayo bigla si Geusef at kinuha ang phone, “Pwede din namang isa talagasa’tin ang pumatay sa kanya sa reason na masyado syang malandi at iminumudmod ang sarili sa isa man sa’tin. Tapos aksidenteng napatay sya.”
Bumalik ang tension sa pinag-uusapan ng dalawa ngunit tumalikod na si Geusef sa kaibigan.
“Geusef?! San ka pupunta?!” pasigaw na tanong ni Alden.
“Somewhere,” sagot nito habang palabas sa bar.
Uminom na lang muli si Alden habang iniisip kung paano nga ba sila nagkakilala ni Geusef nang biglang lumapit ang waiter sa kanya, “Sir, bill nyo po nung kasama nyo.”
Naningkit naman ang mata ni Alden at napatawa sa sarili.
Si Geusef ay umuwi na sa bahay nila, binuksan ang pinto at sinalubong ng isang maliit na batang babae. May cute itong dimples na tila tinusok kaya’t sobrang lalim.
“Kuya!”, sigaw nito.
Abot tenga naman ang ngiti nya sa pagkakakita sa kapatid. Sabay buhat dito.
“Sinong kasama mo dito Gwyn?” tanong ni Geusef sa kapatid habang iniuupo ito sa sofa.
“Ikaw po,” sagot nito at sabay hawak sa remote para buksan ang TV.
Napatingin naman si Geusef sa orasan. Mag-7PM na wala pa din ang kahit isa sa parents nila. Kanina pang nag-iisa sa bahay ang 8 year old nyang kapatid.
“Gutom ka na ba Gwyn?”
Tumingin ang kapatid sa bintana at biglang nagkaroon ng malungkot na expression, “Medyo po kuya.”
“Magluluto na ko ng dinner para makakain na tayo.”
Alam ni Geusef na laging inaantay ng kapatid nya yung time na ipinangako sa kanla ng magulang nila na kumain ng sabay-sabay.
TO BE CONTINUED....
Sorry po sa delay... Dami po kasi gawain sa pagtuturo ko tapos po yan nagkasakit na po ako so nahihirapan po akong mag-update. May Part 2 po itong CHAPTER 8....
-------------------> Alden Fernandes
BINABASA MO ANG
Beneath that Mask
Mystery / Thriller"Not all who wear masks are heroes. Sometimes, they are just some losers pretending to be heroes. Sometimes, they just can't accept who they really are." -RANDOM FACEBOOK QUOTE -giocosovivace Read at your own risk. There are some scenes that are no...