Act 3: The First Auditionee

161 3 0
                                    

Act 3

The First Auditionee

“Ano kayang feeling ng maging sikat?”. tanong ni Kervin habang nakatanaw sa dalawang tao na nasa bleachers malapit sa pool.

Nakatitig s’ya kina Vivian at Geusef habang nag-uusap ang dalawa.

“Sikat ka din naman ah,” rinig ni Kervin ang boses ng isang babae.

Nang lingonin nya ay si Czarina pala, ang best friend ni Vivian.

“Running for Magna Cum Laude ka di ba?”, tanong nito sa kan’ya.

“Oo, pero... hindi naman ako sisikat nang dahil doon eh. Sa katotohanan walang pakialam ang mga nakapaligid sa’kin sa mga grades ko at...”, hindi na natapos ni Kervin ang sasabihin n’ya dahil nagsalita na muli si Czarina.

“Kaya ka na lang tinatapak-tapak ng mga tao eh. Sabi sa’kin ni Vivian, ang talento kahit ano mang uri yan, kailangan daw pakaingatan. Kasi isa yan sa mga bagay na kailan man hinding- hindi maagaw ng iba mula sa’yo,” sambit nito na tila inaalala kung paano s’ya pangaralan ng kaibigan.

Bumalik naman ang tingin ni Kervin kina Vivian sa may bleachers nang magtanong muli si Czarina, “Anong ginagawa mo dito? Saturday ah, wala namang mga pasok ang mga taga-Education department?”

“Ahmmm, may ... clubbbb ac..activities ako eh,” sagot ni Kervin. Pero sa totoo lang iba ang mga balak ni Kervin.

“Well, total nandito ka na... tutulungan mo naman siguro ang El Cid Theatre na mag-ayos sa university ng mga posters for audition di ba?”

“Auditions?”, tanong ni Kervin.

Naningkit ang mga mata ni Czarina sa lalaking may apat na mata na mukhang nagtataka kung para saan ang auditions. “Duh, theatre kami, natural magkakaroon kami ng auditons para sa mga actors and actresses.”

“So, may nakuha na kayong script?”, tanong ni Kervin, medyo ninenerbyos. Kung makatingin naman kasi itong kaibigan ni Vivian, parang nakatingin ito sa kaluluwa nya. Bagay na magkasama sina Vivian at Czarina. Sila yung tipo ng mga babae sa campus na gusto mong laging titigan, isip ni Kervin habang naglalakad papuntang back stage upang makuha ang mga audition posters.

“Apparently, may anonymous writer na nagsend kay Vivian ng script nya...”, banggit ni Czarina habang iniaabot kay Kervin ang mga audition posters.

Binasa ni Kervin ang poster, “Beneath That Mask sa makabagong panulat ng isang misteryosong manunulat na ikinubli ang sarili sa pangalang Sim Simi...”

Napatawa naman si Kervin.

“I know, nakakatawa talaga yung trip nung writer. But we all agree. Magaling ang pagkakasulat n’ya sa script. Napaka-kakaiba, at ang nakakaintrigue pa eh ang paglutas kung sino si Sim Simi...”, singit ni Czarina.

Pumunta na si Kervin sa nearest bulletin board para magpagkit ng poster.

“Bakit ikaw ang nagpopost n’yan?”, tanong ng isang babae.

Nabigla si Kervin, kilala n’ya ang boses na ‘yun. At nang lumingon s’ya nakita n’ya si Vivian nakapony tail ang namumula nitong buhok at nakatingin sa kanya.

“Ah, ano ah... ah...”, nagsimula nang maging incoherent ang mga salita ni Kervin. Mas madali pa sumagot sa mga recitation sa classroom, isip nito.

Nakapamewang na ngayon ang dalaga at nakatitig pa din kay Kervin, “Don’t tell me nabully ka na din ng mga ka-Theatre ko...”

Bigla itong umiling at kinuha ang mga posters sa kamay ni Kervin.

S’ya lang ba, o may naramdaman s’ya tila kuryente na dumampi sa kanyang mga kamay.

Beneath that MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon