Act 8
Part 2
The Bad Boy
“Gwyn, ba’t di ka pa nakain?”, tanong ni Geusef sa kapatid na nakatingin sa may bintana.
Umiling ang bata at nagsimula nang kumain.
Alam naman ni Geusef kung bakit nagtanong pa, isip nito. Nang matapos silang kumain hinayaan na ni Geusef na bumalik ang kapatid sa kwarto nito at mula sa kwarto niya ay kinig nya ang maliliit na paghikbi ng nakababatang kapatid.
Wala na din magawa si Geusef sa nararamdaman ng kapatid dahil hindi isang kapatid ang kailangan nito kung ‘di ang mga magulang nila.
Nakaupo si Geusef sa isang revolving chair kaharap ang laptop nya at ang isang picture frame katabi nito.
Napatingin naman sya sa reflection ng sarili nya sa laptop. Ni isang feature ay di katulad ng sa kapatid nya o nino man sa pamilya nyang nakikita sa picture frame.
“Para kang tanga Geusef!”, sabi ng binata sa sarili. “Wala ka talagang magiging kamukha sa kan’la kasi hindi ka naman talaga nila kamag-anak,” sabi nya sa sarili.
8 years nang kasal ang mga magulang ni Geusef ngunit di pa din magkaroon ng anak ang mga ito kaya’t nagdesisyon silang umampon na lamang ng anak, si Geusef. They kept everything about the adoption as a secret. Hindi nanggaling sa isang bahay ampunan ang sanggol na si Geusef kung di sa isang babaeng di nila kilala. Ilang taon pa ang lumipas nagkaanak sila ng tunay na anak, si Gwynette.
Normal pa din naman ang mga bagay kahit na nagkaroon ang mga ito ng isang tunay na anak. Ngunit isang araw lumutang ang isang babae sa bahay nila claiming that Geusef’s her son. Sa totoo lang gusto lang nitong makakuha ng pera mula sa mga San Agustin.
At doon na nga nabunyag ang lahat tungkol kay Geusef.
For some reason parang isang epidemia na sipon ang pagkalat na anak ng isang babaeng bayaran si Geusef. Naging distant ang mga tao kay Geusef lalo na sa eskwelahan, mabilis maimpluwensyahan ang isip ng mga kabataan kaya’t unti-unti syang nilayuan ng mga ito.
Ang masayang buhay dati ni Geusef sa kanyang masayang pamilya ay unti-unting gumuho. Biglang naging di maganda ang kalagayan ng trabaho ng kanlang tatay kaya’t kinailangan na ding magtrabaho ng kan’lang nanay.
Napipilit ni Geusef na maunawaan ang ginagawa ng kanyang mga magulang ngunit sa murang kaisipan ng 8 years old na si Gwyn mahirap para dito ang unawain ang sitwasyon.
Binuksan ni Geusef ang laptop at nagbukas ng Facebook.
Search Box: Type...
Vivian Laurette
“FB famous ata si Vivi ko ah! Isang profile picture 265 Likes! 178 Comments! 32 Shares!”, sunod- sunod na sabi ni Geusef nang makita ang wall ni Vivian.
Ngunit nakita nya din sa mga Comments ang umuulang accusations ang Hate Comments ng mga estudyante.
Naalala nyang biglang ang hapon na sinasabing pinatay ang isang estudyante ng El Cid University, si Dane Perez.
Naunang umuwi sa kanya si Alden kaya’t naiwan syang nakatambay sa labas ng school at nagyoyosi nang lumapit sa kanya ang isang tourisim student.
“Hi, leading man ko!” bati nito sa kanya sabay tabi sa kanya.
“Hello?” patanong na greeting ni Geusef.
Ipinatong nito ang kamay nya sa mga balikat ni Geusef at binulungan, “Excited ka na ba, may kissing scene tayo sa play di ba? Gusto mo ba ng private practices?”
Napangisi naman si Geusef. Hinawakan sa may chin si Dane at inilapit ang bibig sa tenga nito kahit na may usok pa sa bibig galing sa sigarilyo. Binulungan nito si Dane, “Dane, right?” Ramdam naman nya ang pag-nod nito. “Hindi ka pa ba marunong ng kiss?” Sabay, balik ng yosi sa bibig.
Nag-giggle naman si Dane sa medyo tempting na tanong ni Geusef. Kinuha ni Dane ang sigarilyo sa bibig ni Geusef. “Well, marunong na ako. Gusto mo demonstrate ko sayo?” Sabay, lapit nito sa labi ni Geusef. Ngunit, kasabay nito ang pag-ilag ni Geusef sa tangkang pag-halik ng dalaga.
“Honestly, Dane. You’re not my type...”, sinabi ni Geusef sa dalaga.
Tumayo si Dane at tinitigan sya ng masama. “Why? Anong type mo? Yung tulad ni Vivian? Pasimpleng malandi? Tahimik na kiriray...?” Ngunit di na nito nadugsungan ang sinasabi nang tumayo na sa harap nya si Geusef.
“Hindi pa ako marunong manakit ng babae against their will pero subukan mo pang ituloy ang mga sinasabi mo mukhang you’re going to be the first girl I’m going to hit.”
Agad naman itong umalis.
Umayos naman ng upo si Geusef at tinitigan ang nasa newsfeed. Ang murder kay Dane Perez.
________________
giocosovivace say's what?
I'm trying to update by and by...
Promote ko na lang din po dito yung magiging bago kong wattpad story. "Becoming Ella"... Tapos, nag-iisip din po akong gumawa ng isang Student- Teacher Relationship story to be titled, "Counting Stars". Pero yun po talaga ay Rated SPG naaaaaaaa WAHAHAHAHAHA! SUPPORT na lang po. :D
ReComVoF
BINABASA MO ANG
Beneath that Mask
Mystery / Thriller"Not all who wear masks are heroes. Sometimes, they are just some losers pretending to be heroes. Sometimes, they just can't accept who they really are." -RANDOM FACEBOOK QUOTE -giocosovivace Read at your own risk. There are some scenes that are no...