Act 5: Understudy

144 3 2
                                    

Act 5

Understudy

Sa mga mata ni Vivian, ay namumuo ang inis.

Walang ginawa si Kervin kanina nang laitin ito at ipahiya nina Nathan at Drake.

Nakaupo ngayon si Vivian sa sofa nila habang nakatingin sa facebook nya at inaalala ang mga nangyari kanina sa auditions.

“Nakakainis!”, sigaw ni Vivian.

“Sino? Ano?”, tanong ng isang lalaking kapapasok lamang ng bahay nila.

Maitsura ito, makatawan at napakalinis tignan, sya ang kuya ni Vivian, si Vince.

“Ang aga mo kuya Vince...”, nabiglang sambit ni Vivian na nagtataka at maaga ang kapatid na nakauwi.

“Walang masyadong pasyente ngayon, pati nandun naman sina Doc Louie...”, sagot ni Vince habang papaupo sa isa pang sofa. “Ano nga pala kinaiinisan mo?”, tanong nito.

“Nakakainis kasi yung isang kakilala ko, pumapayag s’yang kinakayankayanan lang sya ng ibang tao... Gusto ko syang tulungan, pero tsk... ay kainis talaga!” sambit nito habang naalala kung paanong inignore lang ni Kervin ang pagkakapahiya dito.

“Hiningi ba n’ya ang tulong mo Vivian?”, tanong ni Vince sa kapatid.

Panandaliang napaisip ang dalaga sa sinabi ni Vince, umiling na lamang ito bilang sagot sa nauna nitong katanungan sa kanya.

“Mas matutulunngan ng isang tao ang sarili nya kung gusto nya talaga ng tulong ng iba...”, sabi ni Vince habang  nakaupo.

“How’s audition?” tanong muli nito.

Inalala ni Vivian ang mga nangyari kanina sa Theatre Hall, dalawang tao lang ang laging nasagi sa isip nya, ang lampang si Kervin at ang pasaway na si Geusef. “Mmm... okay lang po...”, sagot ni Vivian sa kapatid.

Iniwan na sya sa sala ng kapatid nya nang...

PING!

Napangiti si Vivian nang makita kung sino ang nagmessage...

Si...

Sim Simi, ang misteryoso nilang writer.

Binuksan nya at binasa ang PM.

Ang galing mo sa auditions kanina, ikaw talaga ang bagay gumanap bilang Claudia,” basa ng dalaga

“Ibig sabihin nandun sya kanina sa Theatre Hall,” isip nya.

 “Really? So, were you an audience or an auditionee?” tanong nya.

PING!

Secret

:-( Wala ka ba talaga balak magpakilala?”, tanong ni Vivian.

At dinugtungan nya pa ito, “How about giving a clue? Kilala ba kita?”

Sim Simi is typing...

Medyo natagalan bago ito nagreply.

PING!

May balak ako magpakilala pero hindi pa ngayon... Nakilala mo na ako... Medyo...”

Napakavague naman ng reply eh, isip ni Vivian. Pero, nakilala nya na ito, bumalik sa isip nya ang mga taong maaring maging si Sim Simi.

Pwedeng si:

Geusef San Agustin, wala man sa itsura nito ay maaring maging sya si Sim Simi... naisip ni Vivian ang mga criticisms na isinulat nito sa mga scripts na ipinasa sa kanya noon. Inalala nya ang incident noon sa may library.

Beneath that MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon