Act 10: The Third Bird

209 3 0
                                    

Act 10

The Third Bird

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng nabalitang pagkakapatay kay Dane Perez.

Tuloy- tuloy ang mga practices ng  El Cid Theatre, sa kahilingan ng mga magulang ng dalaga na syang dapat na gaganap bilang si Claudia. Nailibing na din ang dalaga.

Nagconduct ng isang mass sa ECU in honor of the late rising actress ng ECU theatre, Dane Perez.

“For some reason, hindi ko magawang maawa kay Dane,” pabulong na sabi ni Czarina kay Vivian na ngayon ay nagsasaulo ng script sa back stage ng theatre hall.

“I mean, paano ako maawa sa babaeng yun? Eh all of the rotten attitude na pwede mong kainisan sa isang babae eh taglay nya na. I should be thankful to whoever killed her,” she added.

Itinigil ni Vivian ang pagsasaulo at tumingin kay Czarina, “Bakit nga ba pinatay si Dane?”

“Duh! Obviously, yung killer nya e nainis sa kanya or isa sa mga taong laging inaaway ni Dane. Or some person na inagawan nya ng boyfriend or kung ano man. For all we know, Dane’s not the goody goody kind of person.”

“Pero is that enough reason to kill her?”, tanong ni Vivian.

Tumingin si Czarina sa kaibigan, “If that person was me, those are enough reasons to shut her up.”

“Alam mo ba na we can use those words of yours against you as verbal evidence?”, isang tanong ang nanggaling sa isang hindi pamilyar na boses.

Hanggang sa may isang lalaki ang pumasok, isang Criminology student. Maamo ang mukha nito ngunit may nagkukubling misteryo sa mga mata.

“Eh di use it against me, I just wished I did had the pleasure of seeing her die...”, sagot ni Czarina pero pinigilan sya ni Vivian.

“Who are you?”, tanong ni Vivian, seeing that he is quite unfamiliar to her.

“Earl Heron Latonio, BS Criminology student, 3rd Year,” sagot nito.

“You are here because...?”, Vivian’s question trailed.

“Manliligaw kasi ako,” agad nitong isinagot habang nakatitig kay Vivian.

Tahimik lang si Czarina at si Vivian sa naging sagot ng binata.

Lumapit ito kay Vivian at inagaw dito ang script na sinasaulo nito.

“Nagkamali nga ako eh, kung alam ko lang na yung si San Agustin ang mapipiling bida, nag-audition na din sana ako,” sabi nito.

“Cza, hmmm di ba may gagawin ka pa sa gym?”, tanong ni Vivian.

“Uhmm oo, pero... okay lang ba na iwan kita... kasama nya?”, may pag-aalinlangang tanong ni Czarina.

“You can leave her to me,” sagot ng binatang nagpakilala bilang si Earl.

Nang umalis na si Czarina nanatiling nakaupo lang ang binata habang nakatitig sa kanya si Vivian.

“Sino ka ba talaga? At ano ang kailangan mo?” tanong ni Vivian.

Tumayo ang binata at tinitigan ang dalaga, “I already told you. I’m Earl Heron Latonio at nandito ako para manligaw sayo.”

Hinablot ni Vivian ang script sa kamay ni Earl, “Do what you want and say what you like. Sasayangin mo lang ang oras at effort mo, whatever that is your planning.” Saka nito kinuha ang gamit nya at lumabas sa theatre hall.

“That’s where you’re wrong, I’m sure this won’t be a waste of my time,” bulong ni Earl sa sarili.

Dahil sa mass na alay ng ECU sa late student na si Dane Perez cumpulsary na umatend sa gym at dahil nauna na si Czarina na magpunta sa gym dahil sa utos ng adviser nila nag-iisang pumunta si Vivian sa gym. Madami ng students ang nakaupo para sa mass and as expected ng dumating sya para umatend ang atensyon ay napunta lahat sa kanya. Naupo na agad si Vivian sa isang side ng biglang may naupo sa tabi nya at sabay na inakbayan sya.

Beneath that MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon