Act 6
Messages
Nakatitig ang lahat nang nasa theatre hall kay Dane na sumisigaw. Lumapit sina Vivian dito.
A horrified expression plastered on Dane’s face, niyapos ito ng ilang kaibigang kasama nito at pinipilit pakalmahin.
“Ano bang meron?!” pasigaw na tanong ni Czarina.
Saka naman napansin ni Kervin ang isang papel sa may sahig malapit kay Dane. Pinulot nya yun at binasa.
“To: Dane
What is not yours, you shouldn’t take!
Magbabayad ang mga makasalanan.
Malapit ka ng hatulan.
From: AngryBird”
Nagkaroon nang mahabang katahimikan sa theatre hall nang marinig nila ang binasa ni Kervin.
Biglang nagmarcha si Dane papunta kay Vivian at tinulak ito.
“Sinong tinatakot mo?! Porket hindi ikaw ang bida, may pagbabanta ka nang nalalaman?!”, sigaw ni Dane kay Vivian habang hinihigit ito ng ibang mga members ng theatre.
“Wala akong oras para makipaglokohan sayo Dane, ano naman at sasayangin ko ang oras ko sa’yo?”, hindi nakapagpigil si Vivian sa accusation sa kanya ni Dane.
Nakawala si Dane sa pagkakahawak sa kanya ng mga kaibigan nya at sinampal si Vivian.
Ngunit, hindi lumapat ang kamay nya sa mukha ni Vivian dahil pinigil ito ni...
“Cza!”, sigaw ni Vivian dahil imbes na masampal ni Dane si Vivian, sinampal ni Czarina si Dane.
“Don’t you dare lay a finger on Vivian! Dahil sinisigurado ko sayo, ako ang makakaharap mo!” sigaw ni Czarina habang nanlilisik ang mata.
Luhaan at pulang pula ang pisnge ni Dane habang nakakatitig kina Czarina at Vivian.
Bigla namang dumating ang teacher- in- charge at nagtanong ito kung anong nangyayari, lahat naman ng members ay nagresume na tila walang nangyayari, alam nilang lahat maging si Dane na pag nalaman nito ang tension sa mga members ay baka maCancel pa ang play.
Habang nagmemeeting ang theatre club, walang minutong sinayang ang mga mata ni Kervin sa pagsulyap sa ngayo’y katabing si Vivian.
Once in a while napapansin ni Vivian ang pagtitig sa kanya ni Kervin, pero hinahayaan nya ito, inaabangan ang paglabas ni Vin Trinidad.
“Teka, nasa’n yung sina Mr. San Agustin at si Mr. Fernandes?” tanong ng teacher- in- charge kay Vivian.
“Cza, may contact ka dun sa dal’wa di ba?” tanong ni Vivian kay Czarina habang hawak nito ang phone.
At iniabot nito ang phone niya na nakadial na sa number ni Alden, iniisip ni Czarina na baka mapasama kung ang number ni Vivian ay mapunta kay Geusef.
Nasa labas lang naman ng campus sina Alden at Geusef at nagyoyosi habang nag-aantay sa pinapaphotocopy nilang lecture.
“Beedo! Beedo! Beedo!”, pagtunog ng phone ni Alden. Kinuha nya ito.
“Dre, ano ba yang ringtone mo? Minion?!”, patawang tanong nito pero si Alden tahimik lang habang nakatitig sa screen ng phone sa kung sinong natawag.
cza Calling...
“Hindi mo ba sasagutin yan?”tanong ni Geusef habang nakasubo ang yosi.
Nagdadalwang isip si Alden ngunit sinagot nya ito, “Hello?”
BINABASA MO ANG
Beneath that Mask
Mystery / Thriller"Not all who wear masks are heroes. Sometimes, they are just some losers pretending to be heroes. Sometimes, they just can't accept who they really are." -RANDOM FACEBOOK QUOTE -giocosovivace Read at your own risk. There are some scenes that are no...