Act 2
The Playwright
Sinasalubong na ang El Cid Theatre ng problema, dahil hanggang ngayon ay wala pa ding matinong script na ipinepresent sa Teacher- in- Charge si Vivian. At ngayon si Czarina ay nammroblema para sa kaibigan n’ya.
“Hindi n’ya ako nagegets. I just want to protect you from whatever evil scheme that Geusef San Agustin is plotting on you Vivian,” isip ni Czarina habang nakatindig sa harap ng mga students sa loob ng theatre hall, supposedly kasi iaannounce na ngayong hapon kung kaninong script ang napili para iact this year for the Annual Play nila for the 4th night of 50th Foundation Week ng ECU. Unfortunately, si Vivian Laurette ay no where to be found.
Napapaisip na tuloy si Czarina kung nakidnap na ba ni Geusef ang kaibigan, kanina n’ya pa tinatawagan ang phone nito pero si Vhong Navarro lang ang nagsasalita sa phone n’ya, tinext nya na rin ang kaibigan para ulitin ang about sa announcement.
Hanggang sa bigla nalang kumalat ang usapan about sa pagiging “The Next Victim” ni Geusef San Agustin si Vivian at ngayon inaassume nila na nagtatago na ang grand actress dito. Grabe ang bilis kumalat ng usapan as in parang “Shortcut Virus” sa USB.
Hanggang sa biglang may pumasok sa theatre hall na isa sa mga aid ni Vivian, dala- dala ang mga folder ng mga script. Ipinasa ito sa mga students at right there and then ang daming nag-iyakan, ang iba naman at nagsimulang magsulat.
Kinawayan ni Czarina si Dane, ang aid ni Vivian; para pumunta dun sa stage. Agad naman itong lumapit sa kanya.
“Ano yung mga script na inaabot mo sa kan’la Dane?”, tanong ni Czarina.
“Nakasalubong ko si Vivian sa may Library at inaabot sa’kin yan. Sabi n’ya sakin ipamigay ko daw sa mga taong mukhang hopeless dito sa Theatre Hall. Tapos, yung mga may-ari na mismo ng script ang may alam ng kahahantungan ng script nila,” sagot ni Dane habang inaayos ang bangs n’ya. Matangkad ito kay Czarina, isa kasing Tourism student. Unfortunately, maganda lang ito pero well... masaya na si Czarina na may hidden talent s’ya for the Arts kahit na hindi s’ya ganun kaganda.
“Nasaan na si Vivian?”, agad na itinanong ni Czarina.
“Well, sabi n’ya uuwi na daw s’ya. And sabi n’ya, wala pa din daw magandang script s’yang nahahanap, and that may headache daw s’ya,” sabi ni Dane with her oh so maarte na voice.
Napailing na lang si Czarina sa piniling gawin ng kanyang kaibigan, pero she felt relieved kasi at least alam n’yang nasa mabuting condition pa ito. At sana malimutan na ni Geusef si Vivian Laurette.
Ngunit taliwas dito ang mukhang nangyayari, masyadong naging interesado si Geusef sa babaeng may tila pulang buhok.
“Pare, mukhang may next ka na namang bibiktimahin ah. Bigating pangalan pa talaga ang pinili mo,” sambit ni Alden sa kaibigan na tila nauupos na ang pasensya dahil ‘di s’ya makaconnect sa Wi-Fi ng ECU.
“Kaya na lang kumakalat ang mga nkakatawang storya na yan eh, kahit ikaw na mismong kaibigan ko naniniwalang may mga babae akong biniktima,” patawang sagot ni Geusef kay Alden na nagpipigil ng tawa.
“Aba, hindi ko nga alam kung paano nagsulputan yung mga kwentong yun tungkol sayo at sa mga babaeng niligawan mo,” sabi ni Alden at inagaw ang tablet ni Geusef para orasyonan ang connection ng Wi-Fi dito.
“Niligawan? Wala akong niisang niligawan sa kan’la nuh! Pati inagaw mo tablet ko, bakit pag kaw ba humawak nan magcoconnect?”
Iniabot ni Alden kay Geusef ang tablet nito na ngayon ay connected na sa Wi-Fi.
BINABASA MO ANG
Beneath that Mask
Mystery / Thriller"Not all who wear masks are heroes. Sometimes, they are just some losers pretending to be heroes. Sometimes, they just can't accept who they really are." -RANDOM FACEBOOK QUOTE -giocosovivace Read at your own risk. There are some scenes that are no...