Act 9: The Nerd

164 3 0
                                    

Act 9

The Nerd

NagLog-off na si Vivian, inoff nya na din ang phone nya at nahiga sa kama nya.

Nakatitig si Kervin sa laptop nya, actually nakatitig sya sa isang particular na chatbox na empty pa din ang conversation. Hanggang sa bigla na lang nawala ang GREEN DOT.

“AHHHHH! TRINIDAD! Offline na sya!”, sigaw ni Kervin sa sarili nya.

Napabuntong hininga si Kervin at muling ibinalik ang mata sa facebook nya.

“Napakabagal ko kasi eh, nag-offline na tuloy... Sabagay, ano nga ba ang icha-chat ko sa kanya?” tanong ni Kervin sa sarili at muling nagbuntong-hininga.

Tumayo ang binata at humarap sa salamin.

“Si Kervin ay Nerd ko!” Naalala nyang bigla kaya’t namula ang mukha nya na kitang-kita nya ngayon sa salamin.

“Gusto kaya ako ni Vivian?” biglang lumabas ang tanong sa bibig ni Kervin. Agad naman syang napatawa habang nakatingin sa sarili sa salamin.

And at the back of his mind he’s having an argument with his so called ‘alter ego’.

“Dream on Kervin. Kung may magugustuhan man si Vivian, I’m sure hindi ikaw yun. Baka ako pa... Hindi mo ba nakikita sa mga mata ni Vivian. She’s not looking at you as Kervin Trinidad, the nerd; rather as Vin Trinidad, the extrovert.”

Sa totoo lang madami nang tao ang nakakita sa alter ego nya. Madalas lumabas ang alter ego nyang ito pag magdedemo sya sa class or magrereport. Kaya naman, nerd man sya sa ugali at sa panlabas na appearance, high quality teacher ang tingin sa kanya ng mga professors at classmates nya. Nabigyan lang ito ng pangalan ng makilala ni Vivian ang alter-ego nya.

“Bakit kasi naging nerd pa ako inside and out?” tanong nya sa sarili nya at sabay buntong-hininga

Hinubad ni Kervin ang kanyang glasses at ibinalik ang tingin sa salamin.

Malabo masyado ang kanyang mga mata, kaya’t maging ang sarili nyang reflection ay di nya halos makita.

Nagsimulang maging blurred ang vision nya bata pa lang.

“Bakit ba kasi naging nerd pa ang bansag sa’kin? Hindi ba pwedeng may glasses akong suot pero ‘cool’ pa din?...” sabay buntong hininga. “Well, at least inangkin ka Trinidad ni Vivian bilang ‘nerd’ nya.”

Sinuot nya ang kanyang glasses at napatingin sa script ng ‘Beneath that Mask’.

May isang tanong na patuloy na umiikot sa isip ni Kervin.

“Anong meron kay Vivian Laurette?”, tanong nya sa kanyang isipan.

Patuloy nyang tinanong ang kanyang sarili hanggang sa naisip nya ang simpleng kasagutan.

“She’s the only one who seems to look at me and expects that I’ll do something different unlike the almost a hundred percent of society who dictated that’ll be a nerd and nothing more,” isip nya. Kaya’t napangiti naman sya sa kanyang sarili. Nang may isa pang idea ang pumasok sa isip nya.

Nagsimula nang magbasa ng script si Kervin. Muli syang nagbuntong hininga, “Ang loser naman ng ganap ko dito, wala nang ibang ginawa kung ‘di ang umiyak at dumaing sa sakit eh.”

“Gosh, pati ang mga loser nakapasok na sa El Cid Theatre!”

Kaya’t dahan-dahan nyang naalala ang hapon na yun.

Tapos na ang meeting ng El Cid Theatre. Wala naman talagang magawa si Kervin para mapunan ang lungkot na namumuo sa puso ni Vivian. All through out the meeting, hindi nya halos mapigilang sumulyap sa babaeng katabi nya. Kahit na kinig na kinig ang tsismisan ng mga students about sa hindi pagiging bida ni Vivian, tila isang professional na actress ang pawang reaction ng dalaga. Ocassionally, mahuhuli sya nitong nakatingin sa kanya kaya’t ngingiti naman ito. But her smile that afternoon never reached her eyes.

Sa may overpass nakarinig si Kervin ng mga familiar na mga boses na tila nag-uumapaw ang kaligayahan.

“You’re the BIDA na! Like FINALLY! Like a dream come true! Like natalo mo si Vivian!”, medyo may kalakasan na sabi ng isang babae.

Sumulyap ng konti si Kervin sa nagsasalita ng marinig ang pangalan ni Vivian.

“Don’t make it sound na parang desperate akong maging bida! Pero syempre! Dahil I’m gonna be the bida, echapwera na yang Vivian Laurette na yan! Kala mo kung sinong hindi mahawakang napakagaling!”, sagot ni Dane. “Besides she deserved everything happening to her for being creepy. She even made a threat note. Now, I just wonder how super duper sakit na hindi maging bida?!” she continued sabay tawa.

“Eh, yun bang sampal sayo nung si Rivera, masakit ba?”, tanong ng isa pang kasama ni Dane. Kaya’t sinamaan naman ito ng tingin ni Dane.

Hindi napigilan ni Kervin ang sarili nya sa napaka-inosenteng tanong ng kasama ni Dane, napatawa tuloy sya.

Suddenly, hindi nya namalayang napansin sya nina Dane.

“Sino nga ‘to ulit?”, tanong n Dane sa isa nyang kasama.

“Yan yung isa pang weirdong nerd na laging nakabuntot kay Vivian, si TriNERDad ng Education department,” the girl trailed on.

“Gosh, pati ang mga loser nakapasok na sa El Cid Theatre!”, pagalit na sambit ni Dane habang nakatitig kay Kervin.

“Sabagay, ano nga ba iniexpect natin na ipush ng loser na si Vivian sa theatre club kung di mga loser din like her!”

Sanay na si Kervin na inaalipusta ng mga tao ang pangalan nya ngunit when it comes to Vivian’s name, for some reason sya ang nasasaktan. “Sya pa din ang theatre club president kaya hindi kayo dapat magsalita sa kanya ng ganan.”

Napatawa naman si Dane at sumabay din sa pagtawa ang mga kasama nito. Naglakad na ito palapit kay Kervin at binulungan sya.

“Wait for a little bit, I’m sure I can do something about that too....”, sabi niya kay Kervin with a mischievous tone.

“Just like nung ginawan mo ng paraan na ikaw ang maging bida Dane?” inosenteng tanong nung kasama ni Dane.

Tiningnan ulit ni Dane ng masama ang kasama nya and proceeded on walking sumunod naman ang mga kasama nya.

“Sino nga kaya ang murderer mo Dane Perez?” tanong ni Kervin.

-giocosovivace

___________________

ReComVoF

PROMOTION

Counting Stars may newest on-going TagLish ebook here in Wattpad.

Pin Pon Pon Pooooon

SPOILER ALERT!

May idadagdag po akong 2 characters.

Character's name #1: Earl Heron Latonio

Ano nga kaya ang gagampanan nya sa Beneath that Mask?

Buo ko na din po ang PLOT ko, so mukhang continuous na po talaga ang update ko. I'm now sure what's suppose to happen.

Beneath that MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon