Act 11: The Real You

141 3 1
                                    

Act 11

The Real You

Laging chinecheck ni Vivian ang 2 chatboxes sa Facebook nya, ang kay Sim Simi at ang kay Angry Bird.

“Seen... seriously? Wala bang magchachat sa’kin alin man sa dalawang ‘to?”, tanong ni Vivian sa sarili.

“I knew you were, trouble when you walked in...”, tunog ng phone ni Vivian.

Geusef Calling...

“Hello?...”, patanong na sagot ni Vivian.

“Hi Vivi,... san ka?”

“Uhmmm, ... theatre hall... bakit?”, sagot ni Vivian.

“Ah, sige. Wag kang aalis dyan ah...”, sagot ni Geusef saka iend ang call.

Nakaupo ngayon sa theatre hall si Vivian hawak ang script pero nakatitig sa phone nya nag-aantay ng isang ‘PING’ mula sa Facebook Messenger nya. Napatingin sya sa pangalan ng writer ng ‘Beneath that Mask’, “Sa panulat ni Sim Simi”

Napaisip naman sya, “Paano nga kaya kung isang kakilala ko talaga si Sim Simi?”

“Paano nga kaya? Paano kung ako pala sya?”, tanong ng isang boses.

Nakita naman ni Vivian si Geusef sa may likuran nya, saka naman ito umupo sa may tabi nya at tinitigan sya.

Hindi alam ni Vivian kung gaano katagal nanatili ang isang awkward silence between them.

Saka naman napaisip si Vivian, “Paano kung si Geusef si Angry Bird? Paano kung si Angry Bird ang pumatay kay Dane?”

“Pondering on my good looks, Vivi?”, tanong ni Geusef sa dalaga habang palapit. Naabutan nya ang dalagang nakaupo. Dahan-dahan nyang iniluhod ang isang tuhod nya harap ng dalaga and got a lock of hair. He gently caresses her hair saka nagtanong, “Paano mo ako nakikita gamit ang mga matang sayo’y ipinagkaloob?”

Napangiti si Vivian sa itinanong ni Geusef.

“Sa aking mga mata, ikaw ay isang anghel...”

“Anghel? Anghel na walang mga puting pakpak? Anghel na may itim at patusok na sungay? Hindi ako isang anghel...”

Tumayo si Vivian at pinatayo si Geusef, inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng binata.

“Handa akong harapin ang mundo ng puro kasinungalingan kung ikaw ang dahilan...”

“Ikaw ba ang parusa sa’kin ng diyos ng mga may paniniwala? Hindi pa ba sapat ang pinabayaan nya akong maging alila ng kasamaan? Na maging isang demonyo na hindi pwedeng magmahal ng tao? Claudia, ikaw ba ang tunay kong parusa? Ikaw ba?”

Napangiti naman si Vivian, “Galing ah!... Memorized mo na pala ang lines mo?”

Humigit ng isang upuan si Geusef at naupo, “Medyo lang.”

Umupo na din si Vivian at sinimulan ang muling pagbabasa sa script.

“Bakit ka nga pala nandito sa theatre hall? Pag ba club president kailangan laging nandito?”, tanong ni Geusef habang iginagala ang mata sa mga nakapaskil sa pader.

“Tahimik kasi dito...”, sagot niya, saka nya naalala ang headphones ng binata. tumayo sya at kinuha sa bag nya ang headphones at iniabot kay Geusef.

Tinitigan lang ni Geusef ang headphones na ibinabalik sa kanya ni Vivian.

“Wala akong pakikinggan, kaya binabalik ko na sayo, salamat na lang,” sabi ni Vivian.

Kinuha ni Geusef ang headphones sa kamay ng dalaga at isinuot dito.

“Ang kulit nito... wala naman akong makikinig eh...” ngunit natigilan ang dalaga ng kumanta si Geusef.

'cause I need you, know you feel it too

Why should we wait on anything at all?

The way the light swims across your face

how could I dream of anything but

The real you

Yeah, the real you

Ooh

You know it's taken my pride, yeah

And now I'm frantic inside, yeah

And what if we met at the wrong time?

What if we met at the wrong time?”

“May nakinig ka?”, tanong ni Geusef habang nakatitig sa dalaga.

Vivian gently nodded and asked, “Kaninong kanta yan, I’ve never heard of it before?”

Dahan-dahang inilapit ni Geusef ang mukha nya sa tenga ni Vivian at bumulong, “Alex Goot...”

Saka napansin ni Vivian ang isang tao na nasa may pinto ng theatre hall. Ngunit di nya na ito nakilala dahil agad itong umalis.

“Napansin mo ba yung nasa may pinto kanina?”, tanong ni Vivian.

Umiling naman si Geusef.

“Sino kaya yun?”, tanong ni Vivian sa sarili.

Pagkauwi nya ng bahay, binuksan nya ang laptop nya at agad na nagcheck ng FB nya, laking tuwa nya ng makita ang isang message mula kay Sim Simi.

Dumadami ang kontrabida ah...” basa nya sa message nito.

-giocosovivace

___________________ 

Alam ko po na masyado ito maikli, ineEDIT ko po kasi Thesis ko and nag-aapply din po ako for a teaching job kaya po sya gan'to.

Anyways, ano kaya ang big sabihin ni Sim Simi sa message nya?

Beneath that MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon