Chapter 2

9 3 3
                                    

CHAPTER 2

KINABUKASAN.

GIANA'S POV

Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko, ngayon palang ata nagsisipagreplyan yung mga tinext ko kagabi. Chineck ko ang cellphone ko at hindi nga ako nagkamali, ang dami kong messages at halos lahat ay puro tanong patungkol sa detalye ng meeting na tinext ko kagabi.

"Hayy naku naman! Wala namang kulang sa text ko bakit ba paulit ulit tong mga to. 2pm nga sa linggo December 18, 2011!! Ano pa bang detalye kailangan ng mga to? Dun pa nga lang mag uusap eh. Hayys!" kausap ko ang sarili ko dahil naiirita ko sa mga text sakin na puro tanong eh sinabi ko na nga.

Pero isang text message ang pumukaw ng atensyon ko, dahil sa lahat ng message ko na galing sa mga ka-batch ko, kanya lang yung walang kinalaman sa reunion.

From: Jerome +639396135241

Hi Gia! Kamusta ka na?

Received: 8:05 AM

"Luh? Seryoso ba to ? Nangangamusta?" Patungkol ko sa message ni Jerome. Nagtataka ako bakit ganun ang message niya. "Close ba kami nito? Duh?" Sa huli nireplyan ko pa din. Ayoko namang magmaldita sa kahit sinong ka-batch ko dahil baka mawalan ng aattend sa reunion kapag ginawa ko yun. Hahaha.

To: Jerome +639396135241

Hi! Okay naman ako, kakagising ko lang.

Sorry late reply.

Sent: 9:37 AM

**BEEP**

Hindi pa man ako tuluyang nakakahinga eh may reply na agad. "Hala ka! Textmate yan?"

From: Jerome +639396135241

Ah okay lang. Anong ginagawa mo?

Kumain ka na?

Received: 9:39 AM

"Adik ka? Kagigising ko lang eh, pwedeng magmuta muna? Aissh! Feeling close ata to ah!" Patience Gia! Hindi mo pwedeng awayin yan, baka mabawasan ang attendees mo! Patience!

To: Jerome +639396135241

Hindi pa, pero nagpeprepare na.

Ikaw, kain ka na din. 😊

Sent: 9:45 AM

**BEEP**

"Juskopo Rudeeee!! Bakit ba text ng text tong taong to oo!!" Inis na tugon ko na naman dahil ang bilis niya talagang magreply.

From: Jerome +639396135241

Ah mmya nako. Nasa byahe palang ako pauwi eh.

Galing work.

Received: 9:47 AM

"Ah oo nga pala, nabanggit nga ng nanay niya na panggabi siya sa work niya. Hayys! Ano namang irereply ko pa dito?" Napagdesisyunan kong sakyan nalang din ang pakikipagpalitan ng message sa kanya dahil wala namang mawawala. Tumagal pa ang pag uusap namin hanggang magtanghali.

**BEEP**

From: Jerome +639396135241

Oh siya sige. Matutulog na ko ah.

May pasok pa kasi ako mmya.

Salamat sa oras mo.

Mag lunch ka na. Wag ka papagutom.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon