Chapter 6

6 2 0
                                    

CHAPTER 6

JEROME'S POV

Nabalitaan ko mula sa girlfriend ng kuya ko na si Cielo ang nagyari sa ama ni Gia. Nakadalaw na sila noon ng sabihin nila sakin yun.

"Hindi ka man lang ba pupunta kela Gia para makiramay, nakailang punta din yun dito nung si Nanay ang nakaburol ah." Ani kuya Paolo. Hindi naman na niya kailangang sabihin sakin yun, dahil kusa ko namang gagawin yun. Pero pilit ko lang pinipigilan ang sarili ko, dahil ayokong biglang magbago ang nararamdaman ko kung makikita ko siya sa ganung lagay. Kaya tinitiis ko, kahit na gustong gusto ko ng pumunta.

"Pupunta naman ako, may mga inaasikaso lang kasi ako nung nakaraan." Pagsisinungaling ko.

Pero para narin tigilan na nila ako, nagpasya akong pumunta ng dis oras ng gabi kasama ng bestfriend kong si Danilo, na kapitbahay ko lang din. Pinili ko ang oras na ito dahil sigurado akong natutulog na siya, sa pagkakatanda ko kasi nung nakakatext ko pa siya ay alas diyes palang ay natutulog na siya.

Nang makarating ako sa kanila ay hindi nga ako nagkamali, natutulog siya sa sofa na halos katapat lang ng pinagbuburolan ng tatay niya.

"Good evening po, ako po pala si Jerome. Classmate po ako ni Gia nung elementary." Ani ko sa nanay niya na siyang sumalubong sakin. "Kaibigan ko po. Condolence po." Turo ko naman kay Danilo.

"Ah salamat, teka gigisingin ko lang si Gia-" ani nanay niya pero agad ko din namang pinutol.

"Nako wag na po, mukang pagod po siya, hindi naman po ako magtatagal." Sabi ko ng akmang papasok siya para gisingin si Gia. May halong katotohanan naman ang sinabi ko, kita ko kasi kahit natutulog siya na mukang ilang araw na din siyang walang tulog dahil sa sobrang itim ng ilalim ng mata niya. Sa sobrang puti niya ay kitang kita talaga yun.

Sumilip lang ako sa loob at nag krus. Muli pa kong sumulyap sa natutulog na si Gia at tyaka nagpaalam na ding umalis. Hindi naman na ko pinigilan ng nanay niya na sa tingin ko ay mukang inaantok na din.

Lumipas ang mga araw na umuusad lang ng normal ang buhay ko. May mga araw paring sumasabi sa isip ko si Gia pero sadyang pinanindigan ko na ang desisyon ko.

May mga pagkakataon din na niyayaya ako ng mga kaklase ko nung elementary na lumabas pero sadyang ayokong sumama sa kanila. Hindi ko kasi alam kung sino sino ba sa kanila ang pwedeng maging kaibigan, o baka isa sila sa mga nambubully pa din sakin hanggang ngayon.

Naging abala na ko sa bago kong trabaho kung kaya halos lumilipas nalang ang mga araw na paulit ulit lang.

Hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan ang tadhana dahil kahit may mga pagkakataon na gustuhin ko siyang makita ay hindi ko talaga siya nakikita.

Aaminin kong may minsang sinasadya kong dumaan sa harap ng bahay nila, nagbabakasakaling makita ko man lang kahit bahagi lang ng mukha niya, pero kahit yon ay hindi nangyari.

Dahil sa halo halong pakiramdam, hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung makikipag ayos na ba ako sa kanya o ipagpapatuloy pa ang ginagawa kong pag iwas sa kanya na ako din naman ang nahihirapan.

Ngunit dahil na din sa PRIDE ko, mas pinili kong panindigan ang desisyon kong ito, at isantabi kung ano man ang patuloy na umuusbong na nararamdaman ko para kay Gia.

Itinuon ko nalang ang sarili ko sa trabaho, may mga pagkakataon din na sumama ako sa iba't ibang barkadahan para na rin makakilala ng bagong mga tao na maaari ko din mapagbalingan ko ng atensyon ko, bakasakaling sa ganung paraan ay makalimutan ko na ang babaeng matagal ng laman ng puso ko, pero sinaktan lang ako.

A/N: SHORTEST UPDATE EVER

Bawi po sa next chapters. As in.

Happy Reading people! :)

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon