Chapter 5

6 3 1
                                    


CHAPTER 5

JEROME'S POV

Simula nung reunion ay hindi na ko nag-abalang itext o tawagan pa si Gia. Lumipas pa ang ilang araw bago siya ang kusang nagmessage sakin.

"Ayos ah! Halos nagpalit na ang taon tyaka mo lang ako naisip itext!" sabi ko habang isa isang binubura ang mga mensahe niyang hindi ko na inabalang basahin pa.

Sa tuwing tumatawag siya ay hinahayaan ko lang mag ring yun at inaantay na kusang mamatay ang tawag. Wala akong pakialam kung anong iisipin niya. Masyadong masakit yung ginawa niya para pagtuunan ko pa siya ng pansin. Kala ko pa naman ay iba ka sa lahat. Pare pareho lang din pala kayo!

Lumipas ang ilang linggo pero hindi pa din siya tumitigil sa pag suyo sakin, kung pagsuyo man ang tawag sa ginagawa niya. Huminhingi kasi siya ng sorry, kahit na hindi naman daw siya sigurado kung anong kasalanan niya. Huh! Kalokohan!

Pero aaminin kong may mga pagkakataong gusto ko ng sumuko sa pagtitiis ko sa kanya at kausapin siya, pero sa tuwing naalala ko yung paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang yun ay hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding galit.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pang araw araw kong buhay. Gustuhin ko mang magpalit ng number ay hindi ko pa yun magagawa sa ngayon dahil ito kasi ang number na laman ng resume ko na ipinasa sa mga inapplyan ko. Natapos na kasi ang kontrata ko sa huling trabaho ko, kaya naman eto ako ngayon at naghahanap na muli ng trabaho.

Nung matanggap ako sa isang factory ay tiyaka lang ako nagdesisyon na magpalit ng number, para na rin hindi na niya ko macontact pa. Pinanindigan ko na ang hindi pagpansin sa kanya at unti unting nagmove on nalang mula sa nangyari, pero yung sama ng loob ay nananatili pa din.

Sa paglipas ng mga linggo ay naging abala ako, nagkasakit kasi ang nanay ko kaya naging abala kaming magkakapatid sa pagpapabalik balik sa kanya sa ospital, ngunit sa kabila ng lahat ng yun, dumating pa din ang araw na ayaw naming dumating. Inatake sa puso ang nanay ko, at kalaunan ay namatay, pinakamasakit pa dun ay nangyari yun bago ang araw ng birthday ko.

Sobrang sakit na mawala sakin ang nanay ko, maraming bumabati sakin, pero bago nila ko batiin ay babati muna sila ng condolence sakin. Halos lahat ay sinasabing alam nilang hindi ko kayang maging masaya sa birthday ko dahil sa nangyari at totoo yun. Para bang kahit kailan ay hindi na ko magiging masaya.

Sa bahay namin ibinurol si nanay, wala pa kong tulog pero wala din akong maramdamang antok o gutom man lang. Napagpasyahan kong pumunta sa malapit na computer shop sa bahay upang magpalipas ng oras at baka sakaling dalawin ako ng antok.

Nagbukas ako ng FB, at bumuhos ang maraming pagbati, puro condolence at happy birthday ang natanggap. Pero tanging mensahe lang ni Gia ang binuksan ko ng buo.

"Alam kong hindi matutumbasan ng kahit ano ang sakit na nararamdaman mo, pero wag mo sanang kakalimutan na maraming pwedeng dumamay sayo para samamahan ka sa pinagdadaanan mo. Happy Birthday and Condolence as well. Just call me if you need me. I'll be there right away."

Parang nagkaroon ng pag asa ang puso sa nabasa kong yun, rereplyan ko na sana siya ng bigla na namang nagpaulit ulit sa isip ko ang nangyari sa reunion. Mabilis kong pinindot ang unfriend sa profile ni Gia, at naglog out sa account ko.

Bumalik nalang ako sa bahay at doon nagmukmok. May mga dumating na bisita pero hindi ko na sila inabalang labasin. Pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing may dumadating ay umaasa akong dadating din siya. Hayy! Masyado mong binabaliw ang isip ko Giana Alexa!! Hindi ikaw ang dapat na iniisip ko ngayon! Pero magiging masaya ako kung makikita kita ngayong birthday ko! Napailing ako sa huling naisip ko, hindi ako ganung kaimportante sa kanya para pag-aksyahan ako ng panahon.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon