Chapter 12

9 2 0
                                    

CHAPTER 12

JEROME'S POV

In-add ko sa FB si Gia pero 2 weeks na ang nakakalipas pero hindi pa din niya inaapprove yun. FB Friend na nga lang hindi pa din pwede.

Dahil doon, maging ang mga messages ko ay hindi niya nasiseen dahil malamang ay nasa message request yun, na kung hindi mo sasadyaing tingnan eh hindi mo malalamang may nagchachat pala sayo dahil hindi mo siya friend.

Hindi ko na tuloy alam kung saan ko pa siya pwedeng makausap, maging ang text at call ko hindi niya pinapansin. Dahil gusto akong tulungan ni Lian na magkaayos kami, siya mismo ang nagbigay ng number ni Gia sa akin. Pero hindi ko naman mapakinabangan dahil hindi man lang siya sumasagot.

Wala na siya ngayon dito sa bahay nila sa subdibisyon dahil may pasok na siya, hindi naman siya dito nakatira, kaya nanlulumo ako dahil sa kawalan ng pag asa.

Sobrang pribado ng FB account niya, na wala kang makitang kahit anong trace kung nasaan ba siya. Humingi na din ako ng tulong kay Lian na makita ang FB account nito ngunit kahit friend mo siya ay wala ka din halos makikita sa account niya. Sobrang naging pribado na ni Gia sa mga ganap niya sa buhay.

Wala man lang kahit anong photo album, maging ang mga wall post ay parang binura lahat at tanging mga shared post lang ang natira.

Hindi ko alam kung saang parte ng Pilipinas ko siya hahanapin. Wala man lang akong kaalam alam sa kanya.

Kahit na alam kong hindi naman niya sasagutin, sinubukan ko pa ding magtext ulit sa number niya. Bahala na siya kung anong isipin niya pero ito talaga nararamdaman ko.

To: Gia

Miss na miss na kita.

Gusto kitang makita.

Please.

Sent: 10:46am

**BEEP**

Nagulat ako ng may magtext, pikit mata akong tumingin sa cellphone, umaasang siya ang nagreply. Halos magtatalon naman ako sa tuwa ng makita ang pangalan ng babaeng ilang araw ko ng hinahanap.

From: Gia

Matulog ka.

Baka makita mo ko sa panaginip mo.

😊

Received: 10:50am

Nangingiti ako sa reply niya, napakasimple noon pero parang iba ang dating sa akin. Sinubukan kong magreply ulit, umaasang magrereply ulit siya.

To: Gia

Hindi ba pwede sa personal?

Sent: 10:52am

Lumipas ang limang minuto, pero wala na kong nareceive na reply mula sa kanya, naalala ko dati na matagal talaga siyang magreply. Pero ngayon ay hindi ko alam kung magrereply siya. Muli na naman akong binalot ng lungkot. Yung panandalian kong saya kanina, ay wala na ngayon.

Makalipas ang sampung minuto mula ng huling text ko ay muling tumunog ang cellphone ko, umaasa na naman akong siya parin ang magtetext. Kaya nung makita kong siya nga ay muli na namang nagliwanag ang mukha ko. Kahit ata oras ang pagitan ng reply niya ay ayos lang sakin, basta nagrereply siya.

From: Gia

Kung hindi ka busy mamaya.

Pwede tayong magkita.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon