CHAPTER 21 - SPG!!

5 1 0
                                    

Warning! Adult content. Skip ka nalang if below 18 years of age.

CHAPTER 21 - SPG

GIANA'S POV

Holiday ngayon pero tinatamad akong lumabas ng bahay. Tinawagan ako ni Jerome kanina pero hindi ko nasagot dahil nakalimutan kong tanggalin sa silent mode ang phone ko bago ako nakatulog kagabi. Nasa zoom meeting kasi ako kagabi kaya sinilent ko lahat ng phone ko. Hindi na din kami nakapag usap ni Jerome dahil nga sabi ko may kameeting ako.

"Panigurado nanghahaba na nguso nito. Papuntahin ko nalang siya dito sa bahay, para makabawi ako. Bawing bawi sigurado." Naisip ko na since boyfriend ko na siya, okay na din sigurong malaman niya kung saan ako nakatira. Wala naman akong tinatago dito, ayoko lang talagang palaging may sumusulpot dito basta. Kahit ang pamilya ko hindi pumupunta dito ng walang pasabi.

Nagtext ako kay Jerome dahil siguradong nagtatampo na talaga siya sa hindi ko pagsagot ng tawag niya.

To: Jerome

Goodmorning Love. Sorry di ko nasagot tawag mo.

Bawi ako sayo. Magkita tayo sa address na ito.

**send address**

See you. I love you.

*sent*

"Ayan hah, sobrang lambing ko pa diyan. Kapag nagtampo ka pa naman ewan ko nalang."

Maya maya lang tumawag na siya. "Hahaha sabi ko na eh, di mo ko matitiis."

***Jerome Calling***

"Yes love" binati ko siya ng may pagkaganda gandang ngiti. Habang siya naman gaya ng inaasahan eh nanghahaba ang nguso sa pagkakasimangot.

"Ayan diyan ka magaling, porket alam mong inlove na inlove ako sayo, ganyan ka sa akin" himig nagtatampo parin na anas niya.

"Hoy! Tumigil ka na sa kakaemote mo diyan, nareceive mo naman yung text ko di ba, dalian mo pumunta ka na. mag motor ka wag kang mag commute para mabilis."

"Eh saan ba yun? Bakit doon pa tayo magkikita?"

"Basta! Huwag na maraming tanong bilis na. Kilos!

"Yes boss, masusunod. I love you" kakamot kamot sa ulong sagot niya.

"I love you too, ingat sa pag drive."

Ayun lang at binaba ko na ang tawag. Pagkatapos ng tawag ay dumirecho na ko sa CR para maligo at magbihis dahil nakapantulog pa ako. Matapos kong maligo ay nagready na ko ng pwede kong iluto para sa pagdating ni Jerome.

JEROME'S POV

Mabilis akong kumilos para maligo at magbihis, kunyari lang naman na nagtatampo ako sa kanya pero ang totoo ay excited ako dahil magkikita na kami ulit. Hindi na gaya ng dati na kailangan ko pang magmakaawa sa kanya na makipagkita sa akin, ngayong girlfriend ko na siya ay madalas na kaming magkita. Actually tuwing weekend. Buti nalang ang bago kong trabaho ay umaayon din sa schedule na available si Gia kaya naman hindi na hassle ang pagkikita naming dalawa.

Holiday ngayon at masaya akong magkikita kami, kadalasan kasi hindi siya lumalabas ng bahay kapag may pasok siya kinabukasan kahit pa holiday ang araw na iyon. Sabi niya kasi sa sobrang busy niya, yun nalang ang time niya para magkaroon ng mahabang pahinga at naiintindihan ko naman iyon. Pero kapag ganitong siya na ang kusang nagsasabi na magkita kami, available man ako o hindi ay ginagawan ko talaga ng paraan, nagkakataon lang na talagang available ako madalas.

Nagdadrive na ako papunta sa address na binigay niya, nagtataka man kung saan ito, dahil hindi rin naman ito ganoon kalayo ay hindi na ko nagtanong. Binaybay ko nalang ang kalsada at matiyagang tinahak ang daan papunta sa address na binigay niya.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon